^

PSN Showbiz

Jules at Assunta, ayaw muna ng anak

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Sa surprise party na rin ng talent manager and vice president of Viva Films na si June Torrejon inabot ng birthday si Assunta de Rossi who turns 20 yesterday, Wednesday.

Sa Anabel’s ang nasabing party ni Tita June last Tuesday night na ang apat na anak nila ng ex-husband niyang si Randy Rufino ang punong abala - Ranvel, Rachelle, Rebecca and Roberta.

Present ang mga kaibigan ni Tita June sa nasabing party with matching video presentation.

Aside from Assunta and Congressman Jules Ledesma, present din sila Bong Revilla, Aga Muhlach and Charlene Gonzales, Robert Seña, Joel Torre, Joyce Jimenez, Bayani Agbayani and his wife Len-len, Cherie Gil and of course si Edu Manzano and Navotas Mayor Toby Tiangco na parehong malapit sa puso ni Tita June.

Pero highlight ng party ang pagdating ng ex niyang si Randy Rufino.

To you Tita June, happy birthday.
*****
Speaking of Assunta, walang big celebration sa birthday niya kahapon. May trabaho kasi. Nag-taping siya para sa teleserye niya for GMA 7 na last year pa sinimulan, pero hanggang ngayon ay hindi pa natatapos dahil nga nag-transfer na siya ng ABS-CBN.

Sayang lang at hindi namin naitanong sa kanya ang issue na hindi na raw matutuloy ang plano ng ABS-CBN na isama siya sa comedy show ni Mang Dolphy na papalit sana sa Home Along Da Riles.

Ayon kasi sa source ng Baby Talk, hindi raw pumayag si Mang Dolphy na i-reformat ang show niya. Sabi raw ng Comedy King, baka hindi na niya kayang magdala ng bagong programa kung papalitan pa ang Home Along...

Tungkol kasi sa kanila ni Jules ang naging topic sa casual na kuwentuhan sa nasabing party. Like wala pa raw talaga silang major fight ni Congressman. Minsan-minsan daw nagtatalo sila kasi wala na siyang time sa asawa dahil sa rami ng trabaho. Pero madali naman daw naaayos.

Wala pa rin silang planong magkaanak. "Two to three years from now. Gusto muna naming ma-enjoy na kami lang. Besides, andiyan naman sina Cristina and Carlos (her step childrens)."
*****
Hanggang ngayon daw ay hindi pa rin aware ang isang actress/TV host sa ginawa sa kanya ng isang waiter - sa kasupladahan daw kasi ng actress/TV host na ito, pinag-tripan ng waiter sa isang restaurant somewhere in Quezon City ang inorder na fruit shake ng nasabing actress/TV host.

Nilagyan ng waiter na ito ng urine (ihi) ang shake na inorder ng TV host.

Sobrang mataray daw kasi ang TV host na ‘to kaya naimbiyerna ang waiter at nag-isip na gumanti.

Ang moral lesson: Huwag masyadong manghahamak ng mga waiter dahil hindi natin alam ang puwede nilang gawin. Sila ang nagpi-prepare ng food natin everytime na papasok tayo sa kahit anong restaurant. Hindi natin nakikita ‘yung nangyayari bago sila mag-serve.

Siguro lang, masyadong na-hurt ang waiter na ‘to kaya nagawa niya ‘yun.
*****
Finally, napapayag na rin daw si Alma Moreno na tuluyan nang bigyan ng freedom si Joey Marquez. Ayon sa isang source ng Baby Talk, na-realize ng actress na wala ng chance na mag-reconcile sila ng actor/politician kahit na nga ilan na ang anak nila.

Alam na raw ito ni Kris Aquino kaya the last time na nakausap siya ng press, sinasabi na niyang may wino-work out pa sila samantalang kailan lang ay sinabi ni Kris na split na sila ni Joey.
From My Inbox
Dearest Miss Asis,

I’m Erica from Leyte!  Sumulat po ako para mag-comment tungkol sa interview kay John Estrada sa Morning Girls nila Kris Aquino at Korina Sanchez.  Sana naman, manahimik nalang tuluyan si John. Masyadong halata kay John ang pagiging guilty niya.  Sana wag niyang i-reason ang pag aasawa niya ng maaga dahil sa totoo lang di rin naman siguro siya makakasal kay Janice kung di rin niya gusto. Ngayon siya magsasalita nang ganun na nagkamali siya dahil nandyan si Vanessa, no’n ‘di niya nasabi ‘yan nong wala pa sa buhay nya si Vanessa.  Naku wag na lang siyang mag-comment dahil kahit anong gawin niya, ang mga tao di na siya gusto. 

Papayag na lang ba tayong lahat na ang mga artista natin ay may ganyang reputasyon? 

Dapat lang na mag sustento siya sa mga anak ni Janice dahil di naman mabubuo ang mga anak niya kung di rin niya ginustong ilabas yun sa mundo.  Wag siyang magrereklamo na kulang na yung salary niya dahil sa kakasustento sa mga anak niya, dapat lang yun kaya nga siya mag-work dahil sa future ng anak niya noh.

Until here nalang sana ma unawaan n’yo Ms. Asis ang ibig kung sabihin. Tumigil na si John sa mga sinasabi niya, wag niyang sisihin ang pagpapakasal niya ng maaga dahil for sure di naman siya pinilit na mag asawa ng maaga ginusto niya rin yun.

Always,
Erica of Leyte
*****
Salve V. Asis’ e-mail: [email protected]/[email protected]

vuukle comment

BABY TALK

CENTER

DAHIL

LANG

NIYA

SIYA

TITA JUNE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with