Aiza, 'Woman of Distinction' awardee

Isa sa mga celebrities na tatanggap ng Woman of Distinction award ay si Aiza Seguerra.

Kahit kinukwestyon ang kanyang kasarian ay maipagmamalaki naman nito ang mga tinutulungang organisasyon kabilang na ang The Sisters of Charity, Philippine Orthopedic Hospital, children’s ward, Life Foundation, PGH, children’s ward, Golden Acres, Cribs, Visayan Forum Foundation, World Vision at marami pang iba’t ibang simbahan at iskwelahan. Aktibo rin siya sa Oasis of Love Counseling and Seminars.

Nakatanggap na ito ng Violet Richardson Award mula sa Soroptimist International Philippines (Dasma-Salcedo Club) noong 17 years old siya. Hanggang sa kasalukuyan ay maaasahan pa rin ito sa mga charitable projects. Samantala, nakatakda itong magdaos ng concert sa Amerika at Europe.
Gov. Josie, Tatanggap Din Ng Award
Bilang pagdiriwang sa International Women’s Day ay pararangalan sa March 7 ng Soroptimist International Philippines (Dasma-Salcedo Club) si Bulacan Gov. Josie dela Cruz. Tatanggapin nito ang Women Helping Women Award dahil sa kanyang mga livelihood program sa Bulacan. Kabilang na rito ang naipamamahaging P11,968 milyon sa 3,410 kababaihan sa ilalim ng Women Livelihood Support Fund at Self-Employment Assistance. May 74 na anak ng balo ang nabigyan ng scholarship sa ilalim ng "Sa Iyong Pag-iisa, May Kaagapay Ka."

Itinayo rin niya ang Tahanang Mapagpala para sa mga Bulakenyo na nasa dapit hapon na ng kanilang buhay sa tulong ng Senate Spouses Foundation gayundin ang Senior Citizen’s Center para sa Provincial Federation of Senior Citizens ng Bulacan.

Si Gov. Josie ay isa rin sa well-like celebrities ng mga taga-industriya dahil malapit ito sa puso ng media.
Prodyuser Na, Alalay At Driver Pa Ni Ailah
Ipinakilala sa amin ng nagbabalik-pelikula na si Ailah Marie ang kanyang asawang si Joe Jasmin na isa sa prodyuser ng Silang Mga Rampadora ng FilMagic Productions. Nainterbyu namin si Joe na taga-Guam. Doon sila nagkakilala ni Ailah. Limang taon pa lang ito nang manirahan sa Guam at doon na lumaki, nakapagtrabaho hanggang sa makapag-asawa.

Nasa police force ito at supervisor ng patrol division na nangangalaga sa isang bar sa Guam, ang Alindog, nag-show dito si Ailah ng 10 araw.

"Noong una ay hindi ko siya gusto Tita. Paano hindi ko type ang moreno at pandak. Hindi rin naman siya kagwapuhan pero maganda naman ang kanyang mata at cute siya kapag ngumiti. Pero higit sa lahat, mabait kasi siya at caring kaya nagustuhan ko na rin," sey ni Ailah.

Nagkaroon ng civil wedding ang dalawa noong October 2002 at sa Pampanga church noong November 28 ng taong ding yon.

May isang anak si Ailah na tatlong taong gulang at dalawa naman ang anak ni Joe. Divorced na ito sa kanyang asawa sa Guam.

Kapag kumita ang pelikula ay magpoprodyus pa ito gayundin ng mga shows at concert. Hindi nito pinagbabawalan ang asawa na gumawa ng mga bold films, hindi nga ito nagselos kahit hawak-hawakan ang boobs ni Ailah sa movie ni John Apacible. Payag din itong mag-frontal nudity ang asawa. "Westernized naman ako at alam kong bahagi lang ito ng kanyang trabaho," ani Joe. Pero sa kaso ni Ailah ay mas gusto niyang maglay-low na sa pagbu-bold at lumabas na lang sa sexy-drama movie.

Kapag may taping o show si Ailah ay ang asawa ang nagsisilbing alalay, driver, bodyguard at wardrobe consultant niya.
Bryan, Kidney- Transplant Patient
Muling hinangaan ang batang si Bryan Homecillo sa kanyang kahusayan sa pag-arte bilang kidney-transplant patient sa Magpakailanman ng GMA 7 hosted by Mel Tiangco. Kahit si Snooky Serna na gumanap ding kidney-transplant patient ay nagalingan sa child actor. Mapapanood ito sa Lunes.

Malakas ang laban ni Bryan sa pagiging Best Child Actor sa darating na Star Awards at FAMAS para sa Munting Tinig. Ang maganda kay Bryan ay kahit abala ito sa kanyang mga commitment ay nasa top ten pa rin ito sa De la Salle bilang Grade V pupil. Aktibo rin ito sa kanilang extra-curricular activities at laging nananalo sa oratorical contest. Kahit sa shooting o taping ay lagi pa rin nitong dala ang kanyang assignment at mga libro para doon mag-aral ng leksyon.
Blind Item: Nakipag-Sex Orgy Ang Sikat Na Singer
Kawawa naman ang sikat na singer na ito na nakipag-sex orgy sa kagustuhan ng kanyang ex-hubby na foreigner. Napilitang gawin ito ng kontrobersyal na singer dahil sa pagmamahal sa asawa na nakakahanap ng thrill kapag tatlo silang magkakapareha sa sex.

Hiwalay na ang singer sa kanyang asawa. Masalimuot pa rin ang lovelife niya at laging nalalagay sa intriga.

Show comments