Aubrey, may dapat ipag-alala

Pinag-isipang mabuti ng kampo ni Aubrey Miles ang pagpasok niya sa Masayang Tanghali Bayan (MTB). At na-realize nila na maganda rin itong exposure kaya napapayag siya na finally ay maging bahagi ng nag-reformat na noontime show.

Pero ngayon pa lang ay may mga nagtatanong na kung may maitutulong kaya si Aubrey para umangat ang show na base sa reaction ng maraming nakapanood, wala namang pagbabago sa dating MTB kahit pinabalik pa si Willie Revillame.

Ang isa pang inaalala nila, baka ma-over expose si Aubrey at magsawa agad sa kanya ang tao na ang tendency, tuluyang hindi panoorin ang kanyang pelikula.

Show comments