Ang mga couturiers na sina Rhett Eala, Larry Espinosa, Garry Katigbak, Marden Iglesias, Rajo Laurel, Anthony Nocom, Frederick Peralta, Renee Salud at Fanny Serrano ang gagawa ng mga isusuot nila sa finals night. Aayusan naman sila nina Agatha, Henry Calayag, Alex Carbonell, Jingky Ilusorio, Jing Monis at Reggie Reyes ng Paradigm at Fanny Serrano.
Sa kanilang mga bonggang kasuotan, mas mabibigyan ng confidence ang mga finalists na sina Maureen Marcelo ("Better Days"), Jason Velasquez ("You Are My Song"), Musica Cristobal ("Emotions"), Mailyn Yu ("Vision of Love"), Carlo San Jose ("Never Ever Say Goodbye"), Angeline Quinto ("Habang May Buhay"), Florie Mae Lucido ("Ngayon"), Angeli Mae Flores ("Cry"), Mark Bautista ("Ngayon at Kailanman"), Roxanne Castro ("Fallin"), Sara Geronimo ("To Love You More").
Magiging panauhin sa finals sina Joey Generoso ng Side A, Jaya, Jinky at Totop ng Freestyle at Zsazsa Padilla.
Si Regine Velasquez ang host ng S4AN.
Inihahandog ng Viva Entertainment, IBC 13 at SM Supermalls kasama ang Samsung at Pantene Pro V. Sponsor ang Nescafe, Enervon, Sennheiser, Yupangco Electronics, Sari-Sari at Bay View Park Hotel.
Nagpalabas na ang korte nung Pebrero 11, 2003 ng isang writ of preliminary injunction na ipinalabas ni Judge Basilio R. Gabo, Jr. para pigilang maipalabas ang Virgin People III sa mga sinehan, TV o anumang playhouse sa buong bansa.
Ngayon, hindi na ako nagtataka kung bakit kumakaunti ang nagpapakasal sa simbahan. Napakagastos kasi, masyadong madugo. At mahaba ang preparasyon.
Hindi na rin ako nagtataka kung bakit di na pinapayagan ang kasal sa labas ng simbahan, wala kasing kita rito ang simbahan.
Yung mga taong kumukuha ng baptismal at confirmation certificates, hwag magtataka kung mawawala ang mga records nyo sa simbahan at kakailanganin na muli kayong binyagan o kumpilan. Isang malaking negosyo pala ito. At tamad ang maraming parish clerks na maghanap ng mga records na lalampas pa ng mga 10 taon.
Napakahirap din palang maghanap ng simbahan. Sa dami ng nagpapakasal ay puno lahat ng araw ng weekends, lalo na ang araw ng Sabado. Kaya pala, hinihiling na anim na buwan bago ikasal ay mag-reserba na ng simbahan.
Nakapagtataka nga na ang hirap na pinagdaraanan ng mga nagsisipag-asawa ay marami pa rin ang naghihiwalay at humihingi ng annulment.
Kung ako kayo, mag-isip-isip muna ng husto bago magpakasal. Mahal at mahirap na proseso ang church wedding.