At sa wakas ay nalaman na rin natin ang iba pang kasama ni Willie Revillame sa bagong show. Na-tense kami dahil sa opening ay bumulaga sina Aga Muhlach at Cesar Montano. It turned out na special guests pala sila. Di bat unang nabalitang sina Aga at Buboy ang kasama ni Willie sa nasabing show?
Kasama ni Willie sa Masayang Tanghali Bayan sina John Estrada, Randy Santiago, Aiai delas Alas, Dennis Padilla, Bayani Agbayani, Bentong, Tado, Mickey Ferriols at mga sexy stars na sina Aubrey Miles at Cindy Kurleto. Kasama rin ang Hunks na sina Piolo Pascual, Diether Ocampo, Carlos Agassi, Bernard Palanca at Jericho Rosales. Mayroon silang schedule bawat araw.
True to their promise, 50 big stars ang nag-participate sa "Urong Sulong" game portion nila. Pinangunahan ito ng Diamond Star na si Maricel Soriano.
Sabi ni Willie nang makausap namin ito, "Expect more exciting portions ng show everyday. Ang trust kasi ng management sa show is mamigay ng papremyo at pera. Talagang uulan ng pera sa show. Asahan nyo yan."
Gusto naming batiin sina Mr. Manahan, Ms. Cory Vidanes, Deo Endrinal, Joyce Liquicia, Willie Cuevas, Alou Almaden, Rondel Lindayag, Freddie Bautista at ang buong staff ng Masayang Tanghali Bayan sa bonggang pilot episode.
Ang bagong batch ay guaranteed ang exposure sa mga ABS-CBN programs dahil sa mga bagong shows ang nakatakdang i-launch ng network. Who knows, ito na ang pinakahihintay ninyong golden opportunity para maging artista at maging kapamilya nina Claudine Barretto, Kristine Hermosa, Piolo Pascual, Jericho Rosales, Diether Ocampo, Carlos Agassi, John Lloyd Cruz, Patrick Garcia, Heart Evangelista, Camille Prats, John Prats at marami pang iba.
Kaya kung interesado kayo o may kilala kayo who got what it takes to become a star, pumunta na sa ABS-CBN Talent Center, 6th floor, Design & Training Center Bldg., at hanapin sina Christian Torio, Abby Niesta o Luz Bagalacsa. Magdala ng photos.
Inamin pareho nina Echo at Tin na greatest love nila ang isat isa. Like a true gentleman, nag-sorry si Echo kay Tin dahil nadamay ito sa pinagdaanang krisis ng binata sa kanyang buhay. Nakakatuwa naman ang honesty ni Tin na sabihin how good a person Echo is. Wala itong masabing pangit sa binata. Although inamin nito na slightly ay pinagselosan niya ang babaeng natsismis kay Echo, si Cindy Kurleto.
Hindi man nila aminin, halatang may tampuhan ang dalawa. But whats good with them, nag-uusap na sila at hindi nila isinasara ang pintuan for a possible reconciliation. Marami na kasi ang dumadalangin na maging okey ulit sila.
Showing na bukas, Wednesday ang Ngayong Nandito Ka, ang posibleng last movie nina Echo at Tin. Magkakaroon ng theater tour sina Echo at Tin at buong cast ng movie bukas. Syempre, kung last movie na nila ito, mahirap na itong palampasin ng mga nagmamahal sa dalawa. Ako man ay hindi ko na ito palalampasin pa.