^

PSN Showbiz

Pumutok ang labi, nagka-blood clot sa mukha si Ara Mina sa rape scence sa Cory filmbio!

- Veronica R. Samio -
Pulang-pula pa ang mga pisngi ni Ara Mina nang pasyalan ng mga reporter sa kanyang shooting ng The Cory Quirino Kidnap Story sa isang beach sa Subic.

Biglang nagkaroon ng commotion ang mga nagi-excursion na nung una ay hindi nalalaman na may mga artista pala silang kasa-kasama sa nasabing lugar. Ang dalawang babaeng artista kasi, sina Ara Mina at Alessandra de Rossi, ay natulog nung umaga at bumaba lamang sa kanilang tinutuluyang otel para ma-interview ng mga dumating na mamamahayag. Ang mga kalalakihan naman, sina Ian de Leon, Paolo Rivero, Zoren Legaspi, Mon Confiado at Richard Arellano, ang mga gumaganap na rapists sa movie, ay may shooting pero hindi run sa lugar na matao. Pumili si Direk Carlo Caparas ng lugar na kung saan ay hindi sila maiistorbo sa kanilang trabaho. Pumunta lamang ang mga ito para bumati rin sa kanilang mga bisita nang makapananghali at nakasabay na nila sina Ara at Alex.

Hindi naman naging kainip-inip sa mga movie writers ang paghihintay sa mga stars ng pelikula. Narun si NBI Director Gen. Reynaldo Wycoco para salubungin at asikasuhin sila. Tuloy ay nalaman nila ang kasaysayan ng buhay nito na ikinwento nito sa kanila. Si Gen. Wycoco ang tumatayong consultant ng pelikula. Katulong niya sa pag-welcome sa mga bisita ang maybahay ni Carlo at isa rin sa mga producers ng pelikula, si Donna Villa.

Ilang araw lamang ang nakakalipas nang kunan ang rape scene ni Ara Mina na gumaganap ng role ni Cory Quirino. Unfortunately, wala si Ms. Quirino nang araw na dumating kami. Pero, ayon kay Ara ay palagi itong naroroon sa shooting.

Kinunan ang rape scene mula alas 9 n.g. hanggang alas 4 n.u. Isang eksena lamang yun pero, nang makatapos kunan ang eksena ay plastado sa pagod si Ara Mina.

"Nahihiya nga ang mga "rapists" ko na hawakan ako. Tinatanong pa nila ako kung pwedeng hawakan nila ako, nagpapaalam pa. Sabi ko, paano magiging realistic ang eksena kung mahihiya kayong hawakan ako, sige, gawin n’yo ang inaakala n’yong kailangan sa eksena, kahit sabunutan n’yo ako. After the scene nga, ang daming nalagas na buhok ko.

"Talagang sa hirap ay nagka-blood clot ako sa mukha. Pumutok pa ang labi ko. Pero nang magtanungan na ay hindi namin alam pare-pareho kung sino ang nakaputok ng labi ko," kwento ni Ara.

Ayon naman kay Ms. Donna Villa, pinaka-mahirap na rape yun na nagawa nila sa pelikula. "Mas mahirap pa ito sa The Maggie dela Riva Story," aniya.

"Nag-shoot kami sa lugar na pinangyarihan ng kidnap kaya kahit alam kong nakakulong na ang mga gumawa ng krimen ay takot pa rin ako kapag nagdaraan kami dun dahil any moment ay baka may humarang sa aming daraanan," dagdag naman ni Ara.

Sa March 26 ang playdate ng The Cory Quirino Kidnap Story. Eighty five percent na ang nakukunan nila. Nung araw na dumalaw kami sa shooting ay semi-last day na nila. Lahat ng natitirang eksena ay kay Ara na.

AKO

ARA

ARA MINA

CARLO CAPARAS

CORY QUIRINO

CORY QUIRINO KIDNAP STORY

DIRECTOR GEN

DONNA VILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with