Yul 'di nawalan ng pag-asa
February 24, 2003 | 12:00am
Nang pumasok ang matikas at tsinitong si Yul Servo sa daigdig ng showbiz ay maraming unpleasant na taguring ibinato sa kanya. Tulad ng upstart, trying hard at walang K. Pero di nawalan ng pag-asa ang binata. Ang mga pasaring ay nagsilbi pa ngang hamon para sikapin niyang maabot ang stardom.
Sa pelikulang Batang Westside ay nananalo siya ng best actor awards sa dalawang international festival Brussels Films at Cinemanila. Hinangaan din siya sa Laman at ngayoy kasama sa mga nominado for actor of the year sa PMPC Star Awards for Movies na gaganapin sa UP Theater sa Marso 8.
Sa Lunes ay tampok si Yul at ang drama princess na si Sunshine Dizon sa episode na Kakaibang Mukha Ng Pag-ibig sa top-rated GMA 7 drama anthology na Magpakailanman directed by Argel Joseph and hosted by Mel Tiangco. Kabituin nila rito sina Amy Austria, Mia Gutierrez at child actor na si Jiro Manio.
Inamin nina Yul at Shine na nahirapan sila sa kani-kanilang role dito. Yul portrays Antonio Baluyot na maigsi at pilipit ang isang paa. Si Shine naman, si Tina Baluyot na retardate at di malinaw magsalita kaya puro ungol lang ang kanyang dialogue. Sa kabila ng kanilang kapansanay nainlab at nagpakasal ang dalawa. Nang magbuntis ang babae ay inatake sila ng takot. Baka ang batang isisilang ay di rin makapagsalita (tulad ng ina) o pilipit ang paa (tulad ng ama). Taimtim silang nagdasal para sa isang milagro. Dininig ni Lord ang kanilang dasal. Ang batang lalaking isinilang (Jiro) ay malusog at normal. Six years na ito at ngayoy honor student sa Grade One.
Kadalasang success stories ang napapanood sa Magpakailanman. Pero hindi man mayaman o successful sa buhay ang mga Baluyot ngayon, they feel blessed dahil ang regalo sa kanila ng Diyos ay isang batang normal, matalino, mapagmahal at di ikinahihiya ang pagiging abnormal ng mga magulang.
Sa inter-action interbyu ni Mel sa mag-asawa ay mababagbag ang damdamin ng manonood. Kasiy patunay ang story ng mga Baluyot na-love conquers all. Kahit nagtitinda lang ng sigarilyo at nagbabantay ng kotse si Tony para kumita at volunteer-worker naman si Tina sa Tahanang Walang Hagdan ngayon, kumpleto ang kanilang kaligayahan.
Napapanood ang Magpakailanman 9 to 10:30 p.m.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended