Kung tutuusin, hindi nakakapagtaka kung bakit giliw na giliw ang mga tao kay Ms. Imee. Very down-to-earth siya samantalang kung iisipin, nasa mataas na antas siya ng lipunan.
Talagang mararamdaman mo yung kanyang pagpapakumbaba.
Kaya naman nang finally ay maging guest siya last Saturday, game na game siya.
Pagkatapos ni Imee, sigurado akong gusto naman ng mga fans na makita rin sa programa si Gov. Bong Marcos.
Tingnan natin kung mapapaunlakan tayo ni Gob. Marcos.
Hindi naman. Ang totoo, mayroon lang siyang prior commitment na kailangang puntahan.
Ako, bilang ama-amahan nyo ni Bing, lagi kong sinasabi na mahirap ang buhay ngayon. Alam nyo naman na may iba diyan na nanggugulo lang. Kunwari kukunin ka. Pero sa bandang huli, hanggang sa simula lang.
Ano pa ba ang hahanapin mo sa GMA 7? May tatlo kang regular show. Star ka pa sa lahat ng mga programa mo - SOP, Beh Bote at Eat Bulaga.
Sana pag-isipan nyong mag-asawa ang mga gagawin nyong desisyon. Alalahanin nyo na ang pagsisisi ay laging nasa huli.
Imbitasyon pa lang, talaga namang napakaganda na. Tiyak na ituturing na wedding of the year ang kasal nila Ruffa at Yilmaz. Ako lang ata ang mahirap sa lahat ng mga ninong na kinuha nila.
Nalulula ako sa rami ng mga ninang at ninong ha. Syempre mga kilalang tao. Biruin mo ilan sa nandun sa listahan ay sila former President. Fidel Ramos and Erap Estrada at iba pang prominenteng tao.
Meron pang susunod na ikakasal pero secret muna. Di pa pwedeng banggitin. Basta mabibigla na lang kayo. Isa rin ako sa mga ninong.
Ngayon pa lang, na-realize na ni Miriam na mahirap pala ang pelikula kesa sa telebisyon. Kinailangan pa raw niyang mag-workshop muna kay Gina Alajar bago tuluyang sumabak sa shooting.
Pero kahit daw mahirap ay isang karangalan para sa kanya na makasama sina Sharon at Richard. Kasama rin siyempre si Paolo Bediones.
Sabi ko sa kanya, baka balang araw magkaroon din siya ng solo movie. Naalala ko na noon pa siya balak kunin ni FPJ bilang leading lady.
Kunsabagay ano nga naman ang bago na puwede niyang ibigay sa manonood? Kabastusan? Hindi na kakagatin ng manonood yun. Si Joey de Leon lang ang puwedeng gumawa ng ganoon. Bukod pa rito, marami pa akong naririnig na negative feedback dito kay Willie.
Kung tutuusin, wala namang pinagkaiba. Maliban kay Aubrey Miles at Mickey Ferriols, ang karamihan sa host, mga napapanood na sa dating MTB.
Bakit kaya hindi mag-isip ang ABS-CBN ng bagong programa o original concept na magki-click sa masa?
Hintayin na lang natin kung mangyayari ito.
At ang paalala ko sa yo Willie, tigilan mo na ang kayabangan at kabastusan mo ha. Baka isang araw makakuha ka ng katapat mo na sisira sa yo.