Korina gumagastos ng P8-libo para sa isang blouse lang

Naka-swerte ang ABS-CBN sa tambalang Korina Sanchez/Kris Aquino. Nakakalimang linggo pa lamang ang dalawa na naghu-host ng Morning Girls with Kris & Korina pero, nakaungos na sila ng malaki sa kanilang kasabayang programa sa kabilang istasyon.

Hindi naman kataka-taka kung manguna man ang palabas ng dalawa na hindi gaanong nag-rate nang iba pa ang kasama ni Kris at lalo na nung mawala ito sa nasabing programa.

Gustung-gusto ng manonood ang chemistry nilang dalawa, mataray si Kris, walang takot at walang humpay maging sa pambubuko kay Korina na tinatanggap naman ni Korina na isang mahalagang bahagi ng kanilang trabaho kung kaya hindi siya napipikon.

Mataray man si Korina, parang sa Morning Girls ay nag-mellow siya to the merriment of her followers and fans na gustong makita ang kanyang not so serious side.

It is no wonder that ABS-CBN has extended the show to six months. Bagaman at ang panahon lamang ang na-extend at hindi ang kanilang mga talent fees, ipinangako ni Kris na pagdating nila ng kanilang 3rd season ay pipilitin niyang mare-remedyuhan na ito.

"Dapat dahil magaling kami noh!" aniya.

Napakasayang panoorin ang repartee ng dalawa. Sa maikling panahon na ipinagsama nila, parang naging malapit sila sa isa’t isa at naimpluwensyahan na nila ang isa’t isa. If Kris tries to update herself sa maraming current issues by reading the papers everyday, ito ay sa impluwensya ni Korina na isang kinikilala at ipinagkakapuring broadcaster.

For Korina’s part, naimpluwensyahan siya ni Kris pagdating sa fashion. Kung dati ay earth colors lamang si Korina, ngayon nakikita na siyang naka-pink, red at fuschia.

Naging wise na rin siya sa pagbili ng mga damit. She used to spend mga P8 thousand for a blouse, ngayon ay nagpapatahi na siya. "But remember, akala ko two weeks lang tayo," pagtatanggol ng muntik nang naging sister-in-law ni Kris at inaamin niya na pinakapaborito niya sa mga naging girlfriends ni Congressman Noynoy Aquino.
*****
Nagpista ang press sa debut ni Anne Curtis. Nakita raw sa okasyon ang mga pinaka-eligible at gwapong mga artistang lalaki sa local showbiz. At mind you, lahat sila ay manliligaw ng debutante. Like Greg Turvey, kakambal ng boyfriend ni Pops Fernandez, Oyo Boy Sotto, ex-boyfriend ni Anne at last dance niya at si Luis Manzano, friend ni Anne pero mas marami ang naniniwala na manliligaw niya.

Pero, bukod sa mga lalaki, napakarami rin namang mga babae na dumalo at kung nagpagandahang lalaki ang mga boys, ganun din naman ang mga girls.
*****
Congratulations kay Belen Lovina Ticzon-Martel sa pagkakapili sa kanya bilang "Outstanding Career Business Executive and Woman Achiever" ng International Civic Advancement for Recovery and Excellence, Inc. Ang awarding ceremonies ay ginanap kahapon sa Century Park Hotel.

Si Mrs. Martel ay asawa ni Antonio V. Martel, pangulo ng Harrison Plaza.
*****
Paborito siyang direktor ni Nora Aunor. He directed some of her memorable films – Bilangin Mo Ang Bituin Sa Langit, Till We Meet Again at Pacita M.

Naidirek na rin niya si Vilma Santos sa mga pelikulang Ibulong Mo Sa Diyos, Pakawalan Mo ako at Pinay, American Style.

After an absence of 10 years, bumabalik si Direk Elwood Perez para ilunsad sa pagka-bituin si Andrea del Rosario sa Lupe, Seaman’s Wife.

"The film showcases not only the feminine pulchritude of Andrea but also her acting prowess," sabi niya.

The movie also stars Leandro Muñoz as her husband and Jordan Herrera, ang lalaking kinuha ni Leandro para anakan ang kanyang asawa.
*****
Ngayong alas-5 ng hapon gaganapin ang second screening para sa Bikini Open ’03 The Pageant sa Arkadia, Remedios, Malate, Manila. Hinihiling sa mga aspirants na pumunta sa nasabing lugar at magparehistro sa ika-3 n.h.

Bukas ang pakontes sa lahat ng Pilipino na may mukha at katawan na hindi ordinaryo, may magandang attitude at confidence. Ang mananalo ay tatanggap ng round-trip tickets to Hongkong at P25,000 cash. Dalawampu’t isang babae at lalaki ang pipiliin para maging finalists.

Ang Bikin Open ’03 The Pageant ay directed and choreographed by Bobby Patag. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa 6876439 o 09167481989.

Show comments