^

PSN Showbiz

Robin nagpapakain ng 60 katao sa bawat kissing scene

- Veronica R. Samio -
Hindi kay Robin Padilla kundi kay Kris Aquino ko nalaman na sa bawa’t kissing scene na gawin ni Robin sa kanyang movie, 60 na katao ang pinakakain niya. Hindi naman ito matatawag parusa kundi pambawi lamang dahil sa kanilang relihiyon ay hindi allowed ang isang lalake na makipaghalikan sa ibang babae bukod sa kanilang mga asawa. But since requirement ito ng trabaho niya, dito na lamang siya bumabawi.

Sa kanilang pelikula ni Kris sa FLT Films na pinamagatang You and Me Against the World, maraming kissing scenes ang dalawang artista at dalawa ang matitindi rito. Lahat nito ay hindi na nangailangan ng rehearsals dahil ayon kay Kris magaling na silang mag-kiss ni Robin.

Bilang preparasyon sa naturang mga eksena, nagpa-dentista pa si Robin na hindi niya ginawa sa mga ibang nakapareha niya sa pelikula. Gaya ni Regine Velasquez na ang pelikula with Robin ang inamin ni Kris na pinaka-paborito niya. Pero, nag-toothbrush siya ng mabuti.

Samantala, sinabi naman ni Kris na hindi siya pabor sa ginagawang publicity slant ng FLT na pinalalabas na parang nagkakabalikan silang dalawa. Magkaibigan lamang daw sila ni Robin sa ngayon, mabuting magkaibigan. At genuine ang friendship nila.

"Katunayan, maingat na ako ngayon, para hindi mabigyan ng maling impresyon ang sinuman sa aming relasyon. Sa shooting, never na nag-stay kami in one place. Kung pupwede ay umuwi ako para walang masabi ang sinuman.

"Sa isang eksena na ginawa namin sa putikan ay gustong punasan ni Robin ang paa ko pero, tumanggi ako. Sinabi ko sa kanya na may magagalit. Parang magkapatid kami na palaging nag-aaway," ani Kris.

Bukod kina Robin at Kris, kasama sa You and Me Against the World sina Mark Anthony Fernandez, Gary Estrada, Maritoni Fernandez, Romel Padilla, Ricardo Cepeda at marami pang iba.

Direksyon ni Jose Carreon.
*****
Sa unang pelikula ng bagong bold star na si Candy Alison, maswerteng naging bida agad siya. Katulad ng ibang mga artista na lumalabas sa ganitong genre, mayroon siyang breast and butt exposure. May love scenes din siya kina Allen Dizon, Jeffrey Gonzales at Rey Abellana. Sayang nga na hindi siya nirequire na magpakita ng kanyang kabuuan, ng frontal nudity dahil hindi siya tatanggi. "Kung kinakailangan naman, bakit hindi," ang sabi niya.

Contract star ng bagong tatag na Wild World Entertainment ang bagong bold star. Tatlong taon siyang naka-kontrata rito at 12 pelikula ang kinakailangan niyang gawin.

Labing walong taong gulang si Candy na kung pamilyar ang mukha sa marami ay dahilan sa isa siya sa "Kendeng Girls" ng Magandang Tanghali Bayan. Bago ito ay nag-join siya sa pakontes ng ABS- CBN at GMA tulad ng TV Babe na kung saan ay naging monthly finalist siya. Miss December siya sa Calendar Girls ng MTB at 2nd runner-up sa grand finals.

Di payag ang ina ni Candy na mag-bold siya. Minsan ay pumunta ito sa set ng kanyang movie at nagbanta na idi-demanda ang kanyang mga producer. Pinayagan siya nitong mag-artista dahil hindi nito alam na magbu-bold siya.

"Nasa edad na po ako kaya pwede na po akong gumawa ng sarili kong desisyon. Maiintindihan din po niya ako sa katagalan. Bakit po ang mga kapatid kong lalaki, hindi naman nagagalit? supportive pa po sila sa akin," ang paliwanag ni Candy.
*****
E-mail: [email protected]

vuukle comment

ALLEN DIZON

CALENDAR GIRLS

CANDY ALISON

GARY ESTRADA

JEFFREY GONZALES

ROBIN

SIYA

YOU AND ME AGAINST THE WORLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with