Dingdong, Jessa gagawa ng baby album

Kapwa may kanya-kanyang album na pino-promote ang mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza.

Ang album ni Dingdong ay may pamagat na "Here To Stay" at may carrier single na "Walang Kapalit" na pinasikat noon ni Rey Valera. Sa misis naman niya ay ang "Jessa: Laging May Isang Umaga" na ang carrier single ay "Hindi Bale".

Habang nasa ika-anim na buwan ng pagbubuntis si Jessa, naisip ng mag-asawa na maganda yung idea na gumawa sila ng isang album para sa magiging first baby nila.

"Nagsisimula na akong maghanap ng mga materials na pwedeng gamitin. Sana magkaroon din ako ng panahon para makapag-compose ng kanta na s’yempre dedicated to our baby," masayang kwento ni Dingdong.

Kahit manganak si Jessa ay napag-usapan na rin nila ni Dingdong na tuloy pa rin ito sa pagtatrabaho.

"Kung saan siya pwede pang maging productive okey lang sa akin at kung saan siya masaya. Naiintindihan ko naman dahil pareho kaming singer," paniniguro ni Dingdong.

Gusto rin ba nilang maging singer ang magiging baby nila? "Oo naman para maging isang family of singers kami, di ba masaya! Pero kung hindi hilig ng baby ko okey lang. Kung ano ang gusto niya at kung saan siya pwedeng mag-excel, ibibigay namin ang support sa kanya," pagtatapos ni Dingdong.

Ang album nina Jessa at Dingdong ay parehong release ng Star Records.
* * *
Maraming singers ang nagsisimula sa banda bago tuluyang nagsolo. Ito ang kaso ng mahusay na singer na si Ron Antonio, dating lead singer ng grupong Wiseguys ang nagpasikat ng kantang "Sabi Mo", "The First Time I Saw You" at "Taguan".

Noon pa man ay ayaw na ng father ni Ron na isang businessman at gayundin ang mother nito na nasa realty estate na pasukin niya ang pagkanta. Pero dahil sa hilig talaga niya ang pagkanta at sa ipinakita nitong determinasyon ay naging all-out na rin ang pagsuporta ng kanyang pamilya.

"Hilig ko talaga ito, kahit nung bata pa ko. Music is my life, my passion, my career. Sa pagkanta lang umiikot ang buhay ko," pagbibigay diin ni Ron.

Pero hindi rin naman binigo ni Ron ang kanyang mga parents. Tinapos niya ang kanyang pag-aaral ng industrial design sa Phil. Women’s University. Kahit kasabay ng studies nito ang pagkanta-kanta niya.

Hindi lang isang magaling na singer si Ron. Marami siyang talent na pwedeng i-share. "Yung paggawa ng mga posters, invitations, bookings for my shows, enjoy ako rito," pagkukwento ni Ron.

Forte rin niya ang hosting job. Madalas siyang maimbitahang mag-host ng mga beauty contests. At ang pinaka-recent ay nang mag-host siya ng Mr. & Ms. Bikini Open kamakailan. Hilig din niya ang mag-compose ng mga songs. Isa siya sa sumulat ng pitong kanta sa bago niyang album "Ron Antonio: Isang Panaginip" under Ivory Records. Samantala, ang singer ay nasa Metro East Robinson’s Cainta, Rizal ngayon hapon para sa kanyang Ron on Tour.

Show comments