Recording ang b-day gift ni Roxanne

Nag-debut ang 2nd placer ng Metropop at isa sa mga star ng Kahit Kailan na si Roxanne Barcelo kamakailan.

Bagaman at marami siyang magagandang regalo na tinanggap, isa sa pinaka-memorable ay ang recording contract na inoffer sa kanya ni Ms. Bella Tan, CEO ng Universal Records.

"
Your Ninong Teddy Tan mentioned your name to me two years ago. At that time , there was no opening yet in my company. Up until now, Hindi kita nakikita o nakikilala. But then, when I saw your visual presentation a while ago," I saw your talent.

I decided to offer you a recording contract in Universal Records," ani Ms. Tan. Napasigaw sa labis na katuwaan ang may kaarawan. Maluha-luha itong nagpasalamat sa napakagandang regalo sa kanya. – Boni A. Casiano

Show comments