"Gago kasi ako nun. Nang umalis ako sa poder niya, ang daming nawalang project, pera. Nang pumayag siyang i-manage akong muli, marami na namang projects. Tulad nitong Nympha. Kasama rin ako sa Sharon/Richard project na Walang Kapalit. Maganda at challenging ang role ko rito bilang isang silahista."
Ang Nympha ay revival ng isang Celso Ad Castillo classic movie na ginawa niya 30 taon na ang nakararaan. Si Celso rin ang direktor ng Nympha 2003 na kung saan nag-collaborate sila ng script ni Roy Iglesias. Si Maricar de Mesa ang gumaganap ng title role.
Sa kanyang pagbabalik, sinabi ni Dino na welcome sa kanya lahat ng roles sexy, wholesome, bida, kontrabida.
"May lovescene kami ni Maricar na tinanggal ng MTRCB, dahilan siguro sa sakristan ang role ko at sa loob ng simbahan kami gumagawa ng milagro," ani Dino who admits to having a most understanding wife in Kim delos Santos. "Hindi siya nagseselos sa mga sexy scenes ko. Pagtatawanan lang ako yan," sabi niya.
Kim chooses to stay in the house and takes care of Dino and his oldest child, Ethan, aged 4 years old, na sinabi niyang ginastusan niya para makuha sa ina. Pero, pinapayagan niya itong makuha ng ina every weekends para makasama nito ang nakakabata nitong kapatid si Miguel, 3 years old at modelo ng Prokids, isang gatas na pambata.
"Its nice to be back. Dati happy go lucky lang ako, ngayong mayron na akong pamilya na inaalala. Kailangan na talagang mag-seryoso sa trabaho.
Sinabi niya na nakakuha na siya ng mana mula sa kanyang ama na ipinambili niya ng bahay at sasakyan. "May makukuha pa ako, pero, maliit na lang kaya, kailangang kumayod."
Recently, umagaw na naman siya ng pansin nang tumakbo siya ng hubot hubad sa kabukiran ng Candaba, Pampanga para sa isang eksena ng kanyang launching movie na Punla kasama sina Emilio Garcia, Eric Padilla at John Apacible under Leo Films.
Pinag-uusapan din ang pictorial na ginawa niya sa isang napaka-taas na building na hubot hubad din at natatakpan lamang ng napakaraming itlog. Ito ang nagbigay sa kanya ng titulong "Pictorial Queen".
Samantala, hindi lamang siya sa pelikula at TV humahataw kundi maging sa print ad din. Kilala siyang Sheila Daniel sa mga fashion mags na nagsusuot ng mga de kalibre at mamahaling mga damit. Makikita siya sa dalawang malalaking poster sa Bah-Bah Clotz sa Harrison Plaza at maging sa Urban & Co. sa Glorietta.