Dito sa pelikulang Boldstar ipinakita ni Candy ang lahat ng kakayahan niya sa pag-arte, dahil bago siya isinalang ni Direk Angelito J. de Guzman ay nag-workshop muna siya ng isang linggo para mahasa ng husto ang kanyang acting ability. Kaya nang magsimula na ang shooting ng pelikula ay hindi nahirapan ang direktor sa akting ni Candy. Nag-action, nag-drama at naghubad si Candy sa pelikulang ito.
Kaya ganoon na lang ang lakas ng loob ni Candy na magsalita na lahat daw ng mga boldstar at sexy star ay walang binatbat sa kanya pagdating sa akting at hubaran. Ipinagmamalaki kasi ni Candy dito ang akting niya dahil pinaghirapan daw talaga niya ng husto ang lahat. Muntik na ngang manganib ang buhay ni Candy dahil sa isang eksenang muntik na niyang ikamatay. Kaya kung tatanungin daw siya ng lahat ng mga kasamahan niyang sexy star kung ano raw ang kanyang lamang sa kanila, isang salita lang daw ang isasagot niya sa lahat ng mga sexy star na magri-react, "Hindi sila marunong umarte, ako marunong akong umarte kahit baguhan pa lang ako," mataray na litanya ni Candy. BA