Tony Bernal: Isang aktor na direktor
February 18, 2003 | 12:00am
Nagsimula ang movie career ni Director Tony Q. Bernal nung kasagsagan ng pagkagiliw ng mga Pinoy sa karate movies. Early 70s yon. Nagtuturo siya ng karate sa Luneta nang maispatan ni Director Luis San Juan, ang may-ari ng LSJ Production. Siya ang nagbigay ng malaking break mula sa pagiging dancer-comedian hanggang maging action king kay Ramon Zamora.
Dahil sa may porma at tikas ang 22 years old na si Tony at may taas na 511", siya ay agad na kinumbinsi ni Direk San Juan na maging artista.
Supporting muna siya sa mga movies ni Ramon Zamora.
Hanggang sa bigyan siya ng launching movie, ang Ngiti, Tawa, Halakhak. "After noon, ginawa akong kontrabida ni Rey Malonzo (mayor ngayon ng Caloocan City)."
"Pumunta akong muli kay Fred Galang pero tinanggihan ako ni Atty. Galang. Baka raw magkaproblema sila."
Naging bida si Tony sa Yaw Yan Expert. Nakatambal niya si Ingrid Salas. Nag-hit iyon at nasundan ng Kamandag ng Alakdan, kung saan ay nakatambal niya si Liza Lorena. Kontrabida naman dito si Eddie Garcia.
Mula noon ay napansin na si Tony Bernal nang tuluyan. Madalas din siyang kunin ni Fernando Poe, Jr. sa mga movies nito. Noon ay nagsisimula na siyang manood sa mga director.
Dumating ang big break ni Tony Bernal nang maging ganap siyang direktor sa Bawat Hakbang Panganib. Na-nominate siya bilang best actor sa Famas dahil sa low-budgeted na movie ito.
Hanggang sa bigyan na siya ng big break ni Honey Jy Trinio ng Jordan Films at K Productions ni Ed Trinidad. Idinirek niya ang pelikulang Eva, Lason kay Adan, kung saan ay bida si Aya Medel katambal si Eddie Gutierrez. Dito ay napansin na ang kahusayan sa pagdidirek ni Tony.
At ang pinaka-latest ay The Legend Tomagan na true-to-life story ni General Romeo Baylon Maganto. Bida si Jestoni Alarcon at si Chinchin Gutierrez at si Eddie Garcia with John Regala, Joy de Veyra at Jack Bernal.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended