Bold star kumita ng P300,000

Isang bold star ngayon ang naru-rumor na naka-one night stand ng isang may dugong bughaw. Ayon sa source ng Baby Talk, kumita ang nasabing bold star ng tumataginting na P300,000.

Kunsabagay, dalawang pelikula na nga naman niya ang equivalent ng nasabing halaga, tax free pa tapos wala pang pagod at puyat na puhunan, isang gabi lang.

Gagawa ka nga naman ng dalawang pelikula, samantalang kaya naman palang kitain sa isang gabi di ba?
*****
Nang mag-start si Leandro Muñoz sa showbiz, he was the boy-next-door. Pero nang lumabas siya sa Sa Dulo ng Walang Hanggan bilang si MJ, maraming nagalit kasi nga sobrang nakakainis ang character niya.

Pero sa Lupe, Andrea del Rosario’s launching movie, daring siya as in nagpakita siya ng butt at may pumping scene sila ni Andrea na asawa niya sa pelikula.

It’s a big departure from his usual roles na pa-cute-cute lang. Actually, nagkaroon naman siya ng lovescene with Mylene Dizon sa Sa Dulo..., pero hindi ‘yun puwedeng i-compare sa ginawa niya sa Lupe. "Ngayon, nararamdaman ko na isa talaga akong artista, and not just a matinee idol," sabi niya. "Nakagawa na ako ng maraming pelikula and TV shows in the past at nag-enjoy naman ako pero parang pakiramdam ko, may kulang. Parang walang fulfillment. I want to do more serious roles and be known as a character actor like my idol, Joel Torre na napaka-versatile. Parang lahat ng role, kaya niyang gawin," he said.

Nang i-offer sa kanya ang Lupe hindi siya nahirapang mag-decide kung tatanggapin o hindi ang pelikula. Oo agad. Ang rason: maganda ang material at si Elwood Perez ang director na almost 10 years ding naghintay ng right script bago nag-decide mag-comeback sa pagdi-direk. "Alam mo naman kung para sa ‘yo ang isang project. Eh nang mabasa ko ang script, sabi ko sa sarili ko, parang ito ‘yung tamang project na hinahanap ko," he relates.

Impotent husband siya ni Andrea. Isang seaman ang role niya rito.

And how’s working with Direk Elwood? "He’s an actors’ director. He brings out the best in me as an actor, and I’m very honored that I was given the chance to work with him."

At willing ba siya uling magpa-sexy after Lupe? "Kung may magandang project, why not!" Kaya lang admitted siya na nasasaktan ang girlfriend niya sa ginawa niya sa Lupe. Naiyak ito nang mabasa ang script.
*****
Wala naman pala talagang intention si Onemig Bondoc na ligawan si Kristine Hermosa kahit noon pa. Mismong ang actor na ang nagsabi na never siyang nag-attempt dahil alam niyang may Jericho Rosales si Kristine. "Siguro kung wala si Jericho, hindi n’yo na ako kailangang tanungin. Ako na ang magsasabi sa inyo," sabi ni Onemig during the presscon of Ngayong Nandito Ka kung saan silang tatlo ang starring under the direction of Jerry Sineneng for Star Cinema.

May lumalabas kasing angle na bukod kay Lucky Manzano, nag-attempt ding mag-court si Onemig sa actress.

In any case, Onemig is playing the role of Derrick na ka-love triangle nina Jericho at Kristine sa Ngayong Nandito Ka.
*****
Na-mention na rin lang si Lucky, napanood ko last Sunday sa SOP as surprised guest ni Anne Curtis sa kanyang birthday celebration sa nasabing programa.

Akala ko ba si Oyo Boy Sotto ang boyfriend ni Anne dahil nag-reconcile sila at si Kristine naman ang nililigawan ni Lucky? Sabi pa nga ni Kristine, everyday nagti-text si Lucky. So Anong nangyari?
*****
Salve V. Asis’ e-mail: salveasis@yahoo.com/psnbabytalk@hotmail.com

Show comments