Darating si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa launching nito sa Miyerkules, ika-19 ng Pebrero sa Intercontinental sa Makati, alas-7 ng gabi. Magkakaroon ito ng isang live telecast nationwide. Ang global service na ito ay magsisimula sa darating na Lunes, ika-24 ng Pebrero.
"Isa itong panibagong challenge para sa NBN," sabi ni Mia Concio, NBN Chair and President. "Sa pagiging global ng government network, mapapanood na ito sa ibat ibang panig ng mundo, lalo na sa mga lugar kung saan maraming Overseas Filipino Workers o OFW."
Pangungunahan ng pangulo ang gagawing seremonyas kung saan pormal nang sisimulan ang global telecast mula sa NBN facilities sa Quezon City. Susundan ito ng isang maikling pakikipag-dialogue sa ilang mga overseas Filipino workers sa Australia via satellite.
"Magagawa na ang ganitong global telecast dahil sa makabagong teknolohiya," sabi naman ni Joey Isabelo, NBN General Manager.
Magkakaroon din ng bagong shows sina Dina Bonnevie at Plinky Recto, Iya, Ali Alejandro, Dustin Reyes at Atom Araullo. Ang kanilang shows ay sisimulan na rin kasabay ang opening ng darating na PBA season.