^

PSN Showbiz

NBN World na!

-
Global na ang National Broadcasting Network simula next week. Makikilala ito sa bagong pangalan na NBN World.

Darating si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa launching nito sa Miyerkules, ika-19 ng Pebrero sa Intercontinental sa Makati, alas-7 ng gabi. Magkakaroon ito ng isang live telecast nationwide. Ang global service na ito ay magsisimula sa darating na Lunes, ika-24 ng Pebrero.

"Isa itong panibagong challenge para sa NBN," sabi ni Mia Concio, NBN Chair and President. "Sa pagiging global ng government network, mapapanood na ito sa iba’t ibang panig ng mundo, lalo na sa mga lugar kung saan maraming Overseas Filipino Workers o OFW."

Pangungunahan ng pangulo ang gagawing seremonyas kung saan pormal nang sisimulan ang global telecast mula sa NBN facilities sa Quezon City. Susundan ito ng isang maikling pakikipag-dialogue sa ilang mga overseas Filipino workers sa Australia via satellite.

"Magagawa na ang ganitong global telecast dahil sa makabagong teknolohiya," sabi naman ni Joey Isabelo, NBN General Manager.

Magkakaroon din ng bagong shows sina Dina Bonnevie at Plinky Recto, Iya, Ali Alejandro, Dustin Reyes at Atom Araullo. Ang kanilang shows ay sisimulan na rin kasabay ang opening ng darating na PBA season.

vuukle comment

ALI ALEJANDRO

ATOM ARAULLO

CHAIR AND PRESIDENT

DINA BONNEVIE

DUSTIN REYES

GENERAL MANAGER

JOEY ISABELO

MAGKAKAROON

MIA CONCIO

NATIONAL BROADCASTING NETWORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with