"Naku hindi nga yan nanonood sa akin dahil kapag nasa bahay silang mag-ama ang pinanonood ni Ariel ay sports gaya ng tennis, basketball at football. Alam mo naman Tita na mahilig sa sports ang aking asawa. Minsan naman ay cartoons para sa aming dalawang anak," aniya.
Limang taon na rin silang nagsasama bilang mag-asawa at stable ang kanilang relasyon. Maganda ang buisiness ni Ariel-isang carshop sa Taguig na pinangalanang Auto Ko.
Kumusta naman ang Valentines Day ng mag-asawa? "Tita, di kami nagseselebrayt ng Araw ng mga Puso. Sa halip, bago sumapit ang araw na ito nagdi-dinner na kaming dalawa lang. Yong mga anak namin ay iniiwan ko kay Mommy. At least walang traffic at di siksikan," sey ng TV host.
Nakangiti na naman si Wilson Tieng dahil sa magandang resulta ng pelikula sa takilya.
Sa presscon nito ay inamin ng grupo na wala silang asawa at anak, walang ka-live-in at walang gay lovers. Naka-concentrate sila sa kanilang singing career.
Nagustuhan namin ang carrier single nilang "Sana Mama" na paborito ding patugtugin sa radio stations.
Ipinakilala na siya ni Miko sa kanyang Daddy Maru at mga kapatid nito at ayon sa aktres ay mabuti ang pakikitungo nilang lahat sa kanya.
Ano naman ang masasabi ni Sunshine sa mga negatibong balita na barumbado at mayabang si Miko? Sinabi ng aktres na kung ganito ang pag-uugali ng aktor ay hindi sana sila magkakasundo. Compatible sila sa maraming bagay at dama niya kung gaano siya kamahal ni Miko.
Sa kabilang banda inamin ni Miko na lahat ng katangian ng isang babae na gusto niyang maging nobya ay taglay ni Sunshine kaya komportable sila lalo na kapag magkasama.
Ang madalas kasama ngayon ng magandang aktres na supergaling umarte kaya hindi nababakante sa soap opera ay isang t-bird. Yes, tibo ang lagi nitong kasa-kasama sa mga lakaran.