Binati ni Vandolph si Katya. Nagkausap ang dalawa. Very private ang kanilang conversation.
Hanggang nakauwi na si Katya, hindi ko na kinulit pa si Vandolph na nagpapahinga kasama ang mga kaibigan sa GMA-7.
Hiniram ni Vandolph ang mga tabloids na hawak ko. Nakita niya ang mga photo releases ni Katya sa kanyang movie. Nakita ko napapailing si Vandolph.
"Dati po kasi, magkasama kami ni Katya sa Ang TV Kids kaya kami naging close. Nun wholesome ang image niya. Anyway, desisyon niya yun. Wala tayong magagawa. Ginusto naman niya yun," sabi pa ni Vandolph.
Ipinarating ko kay Katya ang mga naging reaksyon ni Vandolph. Ikinatuwa niya ang naging reaksyon nito.
"Kilala ko si Vandolph. Hes a type of person na very conservative. Honestly, naging close kami during our early childhood stage sa Ang TV. Okey naman siya. Sinabi naman talaga niya sa akin na ayaw niyang panoorin ang movie. Pero di ba, hindi naman bastos? Wala naman ipinakitang frontal nudity. Puro pagpapa-sexy lang talaga.
"Im happy sa naging resulta and I have no regrets."
Fifteen movies for three years ang kontrata ni Katya sa Viva Films. And she said na may follow-up movies na siya. This time with Maui Taylor sa Sex Drive and with Rufa Mae Quinto sa Two, isang sex-comedy films na ididirek ni Chito Roño at ang leading man ay si Edu Manzano.
"I havent read the script but they told me na ang role namin dito ay mga kabit. Mas daring ito compared sa mga pinaggagawa ko sa Sukdulan.
Kamusta naman ang talent fee?
"Tumaas ng konti. Ako naman ang tumanggi. Ayoko ng masyadong mataas. Ang gusto ko, mas mahaba mas marami. Yung paramihan ng mga pelikulang nagagawa!
Ano pa ang mensahe mo para kay Vandolph?
"Huwag kang maawa sa akin. I treasure the time nang naging childhood sweethearts tayo nun and thank you for all your concern about my career!" pagtatapos pa ni Katya. BAC