Ara Mina malakas na contender for Best Actress

Ara Mina has all the reasons to celebrate these days! Pagkatapos niyang manalo ng Best Actress sa nakaraang MMFFP for her performance sa pelikulang Mano Po ay tuluy-tuloy pa rin ang winning moment ni Ara.

She’s one of the strong contenders for best actress sa iba’t ibang awards-giving bodies this year tulad ng Star Awards at Urian. At base sa magagandang reviews ng mga kritiko, malaki ang chance na makapag-uwi ulit si Ara ng trophy.

Kasisimula rin lang niyang magsyuting ng The Cory Quirino Kidnap (NBI Files) under Golden Lions. Ang pagiging bankable star niya ang isa sa mga dahilan kung bakit pinili siya nina Donna Villa at Carlo J. Caparas para sa pelikula.

First year anniversary and grand opening din ng kanyang restaurant — ang Osteria Italia (located along Tomas Morato, Q.C.). Simula ngayong February ay magkakaroon na ng acoustic night sa Osteria Italia at idea ito ni Ara para lalong mag-enjoy ang mga customer ng kanyang restaurant.

Lovelife na lang talaga ang kulang kay Ara.

Show comments