^

PSN Showbiz

Ano ba ang malaking lamang ng Dos sa Siyete

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
May pa-contest ngayon ang ABS-CBN para sa kanilang bagong noontime show, ang Masayang Tanghali, Bayan!, na magsisimula na sa susunod na Sabado, Pebrero 22.

Sa kanilang teaser kung saan ipinakikita ang TV host-komedyanteng si Willie Revillame na nakatuntong sa ibabaw ng malaking letrang W ay pinahuhulaan kung sinu-sino ang iba pang pitong personalidad na makakasama ng nagbabalik na host sa MTB.

"Hula-Who" ang titulo ng pa-contest, walang ibang gagawin ang mga may gustong sumali kundi ang banggitin ang pangalan ng pitong TV hosts-artists na makakasama ni Willie sa show, limampung libong piso ang nakahandang papremyo sa mananalo.

Dahil handa namang ipamigay nang maluwag sa kanilang puso ng Dos ang kanilang papremyo ay medyo padadaliin na namin ngayon pa lang ang pa-contest, magbibigay na kami ng mga clue para malaman ng manonood kung sinu-sino ang mga personalidad na pinahuhulaan.

Ang dalawa pang magiging posteng hosts na makakasama ni Willie sa MTB ay malalapit niyang kaibigan, matagal na niyang nakakasama sa trabaho ang dalawang hosts, sila ang bubuo sa grupong magmamaniobra sa kabuuan ng programa.

Ang tatlo namang makakasama pa sa show na kumbaga sa basketball ay kasunod ng first five sa team na binubuo ng dalawang lalaking komedyante at isang sikat na sikat at matagumpay sa kanyang linya.

Ang natitira pang dalawang regular na makakasama sa MTV ay parehong seksi at maganda, hinahangaan sila ngayon ng mga kalalakihan at sila ang magpapainit sa ating tanghalian sa pamamagitan ng kanilang pagpapaseksi at pagsasayaw.

Madali nang hulaan ngayon kung sinu-sino ang pito pang makakasama ni Wilie sa MTB kaya "Hula-Who" na!
* * *
Ayon sa nakarating na impormasyon sa amin ay si Direk Johnny Manahan muna ang mamamahala sa Masayang Tanghali, Bayan! sa loob ng tatlong buwan.

Ganu’n naman ang madalas na ginagampanang papel ni Direk Johnny sa Dos, at kapag nakatatayo na ay ipinapasa na niya sa iba.

Kumbaga kasi sa hardinero ay green thumb ang direktor, masuwerte siya sa paghawak ng programa, bukod pa sa talaga namang pinagsusunugan niya ng kilay ang anumang responsibilidad na ipinagkakatiwala sa kanya ng higanteng istasyon.

Malaki ang paghahandang ginagawa ng Dos sa pag-ere ng kanilang bagong noontime show, hindi lang dito sa Pilipinas mapapanood ang kanilang pinagpagurang buuing production numbers, kundi pati na sa lahat ng bansang naaabot ng TFC (The Filipino Channel).

’Yun ang napakalaking bentahe ng Dos, meron silang TFC kaya ang mga artista ng istasyon ay kilalang-kilala sa maraming bansa.

Kilalang-kilala na sa bansa si Ai-Ai delas Alas, siya lang ang tanging komedyanteng nakapagpaapaw sa Folk Arts Theater at sa Araneta Coliseum na nagbigay sa kanya ng titulong Comedy Concert Queen, pero mula nang lumipat na sa ABS-CBN si Ai-Ai ay nakilala siya nang husto sa iba’t ibang bansa.

Marami ang nagtataka kung bakit matatagumpay ang mga shows ng The Hunks sa labas ng ating bayan, samantalang hindi naman kagalingang kumanta ang mga miyembro nito.

At bakit nga ba kahit saan mag-show si Jolina Magdangal ay tinatalo ang mga concert na ’yun at paulit-ulit pang kinukuha uli ang dalaga?

Maraming dapat ipagpasalamat sa TFC ang mga artista ng Dos, lumalawak ang kanilang raket nang dahil sa malawak na naaabot ng istasyon sa iba’t ibang panig ng mundo.

’Yun ang kalamangan ng Dos sa Siyete, ’yun ang matagal nang meron ang ABS-CBN na pinaplano pa lang na sundan ngayon ng Siyete.

AI-AI

ARANETA COLISEUM

BAYAN

COMEDY CONCERT QUEEN

DIREK JOHNNY

FILIPINO CHANNEL

KANILANG

MASAYANG TANGHALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with