Sila na nga ang Masculados, matitipuno ang pangangatawan, may mabikas na tindig (59 hanggang 6 ang kanilang height) at talagang malakas ang dating. Naglaway nga ang aking mga kafatid sa hanapbuhay nang makilala ang pito sa isang mabonggang launching na ginawa ng Universal Records na kung saan ay gumawa sila ng isang album na pinamagatang "Masculados". Sampung cuts ang laman nito at ilan sa mga favorites dito ay ang first single na "Sana Mama", "Lagot Ka", "Hawakan Mong Mabuti", ang Masculados anthem o signature song at ang "Macho Papa" na tiyak na magiging kontrobersyal.
Mahuhusay at subok na mga composers ang gumawa ng kanta para sa pito, sina Lito Camo, Noel Macanaya (DJ Mod) at Mike Hanopol.
Ang Masculados ay binubuo nina Omar Principe, Kiro Amirati, Lexter Lazaro at Robin Robel na mga professional models; Zoltan Amore, isang gym instructor na nakalabas na rin sa pelikula. Isa siyang potential na action star; Bok, isang registered dentist; Ailex de Asis, isa ring gym instructor at computer expert.
Of the 7, personal favorites ko sina Robin, Kiro at Zoltan hindi lamang dahil pinaka-pogi silang tatlo sa grupo kundi magaling silang makipag-interact at sumagot sa mga pangungulit ng press.
Timing ang pagkakapasok ng pito sapagkat bagaman at aktibo pa rin ang The Hunks, ang pagiging sikat nila individually ay malaking epekto sa grupo. Ang Power Boys naman ay hindi pa rin nakakaraos sa unos na sumasagasa sa kanila. Isa na ang casualty. Makaligtas kaya ang natitira pang apat?
Sinasabing nag-aaway sa kasalukuyan ang dalawa pero, hindi rin ito sapat para ma-turn off ang mga tao at huwag nang manood ng show.