Kris di feel mag-mayor

Finally, na-reveal na rin ang totoong rason kung bakit nag-split sina Kris Aquino at Joey Marquez. All the while, akala nating lahat, babae ang dahilan. Hindi pala kundi pulitika.

Imagine ayon sa source ng Baby Talk, hindi napapayag ni Mayor Tsong na mag-mayor si Kris sa Parañaque sa darating na election para makalaban ni Alma Moreno na confirmed na tatakbong mayor.

Nag-offer pa raw ng house and lot si Mayor Joey kay kay Kris. Pero hindi raw talaga feel ng daughter ni ex-President Cory Aquino na pumasok sa pulitika lalo na’t si Joey ang back-up niya.

Siguro na-realize ni Kris na hindi talaga magwo-work out ang kanilang relationship dahil magkaiba sila ng direction sa buhay.
*****
Super close na ngayon sina Ara Mina and Cory Quirino as in na-discover nila na marami pala silang things in common.

Kasi nga si Ara ang gaganap sa character ni Cory sa pelikulang The Cory Quirino Kidnap (NBI Files) na sinisimulan na ngayong gawin ni Direk Carlo Caparas para sa kanilang Golden Lions. Sabi nga ni Ara, nakakuha siya ng isang ate kay Cory na parating nakabantay sa shooting nila.

Common knowledge ang kidnapping incident kay Ms. Quirino several years ago na ngayon nga ay gagawing pelikula.

In any case, maraming blessing si Ara sa kasalukuyan - ang best actress trophy niya, ang business niya (Osteria Italia) at ang sunud-sunod niyang pelikula this year. Kung tutuusin, boyfriend na lang ang kulang niya kahit na nga maraming nagsasabi na sila talaga ni Jomari Yllana. "Sana nga ma-in love na ako para naman maging complete ang buhay ko," she said.
*****
Isang web reader ang naimbyerna na yata sa kaka-deny ng mga artistang retokada pero pinipilit na totoo ang boobs nila. Karamihan dito ay bold star.

Anyway, nakakatawa ang tips niya:

Dear Ms. Asis,


Nag e-mail ako sa inyo upang maliwanagan once and for all ang mga artista nating babae na tumatangging aminin na sila ay nagpa enhance ng kanilang harapan o boobs. Ms. Asis, napakadali lang malaman na ang isang babae ay nagpa-silicon. Kung paano ay simple lang, FLASHLIGHT !!!

1. Kumuha ng isang ordinaryong laki ng flashlight.

2. Patayin ang ilaw sa lugar na inyong kinaroroonan.

3. Buksan ang flashlight at ilapat sa boobs ng isang artistang nagsasabing hindi peke ang boobs niya.

4. Pag hindi nagliwanag ang boobs n’ya ito ay natural, subalit pag ito ay umilaw ito ay siguradong FAKE !!!

 Hanggang dito na lang nawa ay makatulong itong tip na ibinigay ko sa inyo. More Power!!! 

Gumagalang,

Jose

Show comments