Sa A.B. Normal College ay katambal niya si Ogie Alcasid at sa concert naman ay ang dati niyang nobyong si Marc Nelson at mga hunks na sina Christian Vasquez, John Hall at ang African-American singer na si London. Mas maiinit ang kanyang gagawin sa concert kung saan magkakaroon ito ng wet scene gaya ng ginagawa niya sa pelikula na may wet look naman.
Dahil sa pagpapa-sexy ni Patricia sa concert ay nararapat lang na ibigay sa kanya ang titulong Sexy Diva.
Sa kabilang banda, kung gaano ang paghanga nito sa anak ay ganoon din sa kaibigang si Ogie Alcasid na kasama niya sa movie. "Genius talaga ito pagdating sa musika. Biruin mo isa na siyang balladeer, magaling pang composer at tumutugtog pa during his concert. Iba talaga siya!" anang komedyante.
Halos lahat ng syuting ay naroon si Cory para alalayan si Ara at hanga siya sa galing nitong umarte. Sabi nga nito sa aktres "Madali mong magagampanan ang role kung nakaranas ka na ng sakit sa buhay. Have you experienced pain? Tanong nito kay Ara. Nang inamin nito na nakaranas din siya ng sakit o matinding problema ay natuwa si Cory dahil magiging madali para maramdaman ang trauma na nararanasan niya nang makidnap.
May eksena sa Cory Quirino Kidnap Story na umiyak si Ara habang itinuturo ang limang kidnappers. Naiyak din si Cory dahil naalala niya ang nakaraan kung saan tatlong taong dala-dala sa dibdib niya ang mapait na karanasan. Ngayon ay maluwag na ang kanyang pakiramdam lalo na at mabigat ang parusang naghihintay sa mga salarin.
Kumusta naman ang samahan ninyo ni Ara? Tanong namin kay Cory.
"She has an open heart at dama mo ang sinseridad nito sa isang tao. Very humble rin siya at hindi kailanman lumaki ang ulo sa kabila ng kasikatang kanyang tinatamasa. May bonding na kaming dalawa at nakatagpo ako ng mabuting kaibigan sa kanyang katauhan," sey ng magandang TV broadcaster.
Nag-share pa rin ito ng mga beauty tips lalo na sa pagpapaganda ng kutis na alaga niya at never siyang nagpapainit. Tamang pagkain at ibat ibang bitamina (Vit. B complex, C, E at iba pa) ang iniinom nito para sa magandang kalusugan at ma-maintain ang pagiging mukhang bata.
Ayon pa rin kay Cory ay tuluy-tuloy ang syuting nila sa Quezon, Laguna at Maynila. Kailangan nila itong matapos hanggang katapusan ng Pebrero dahil ipalalabas na ito sa Marso.
Ang Gandang Pamilya, Ang Gandang Barkada, Ang Ganda Nila at Ganda ng Lola Mo, Noh? na nagpapakita kay Ms. Gloria Romero na hindi lang maganda kundi may maganda pa ring kalooban.
Heto na ang siste! Kakaunti lang ang bumili ng ticket at sa takot na baka malugi siya ay binawasan nila ang presyo ng ticket. Pero hindi pa rin pala ito kinagat ng mga tao at tuluyan ngang nalugi ang promoter dahil hindi inaasahan na kakaunti lang ang manonood sa concert.