Bernadette Allyson nanaba, matapos manganak

Basketball and showbiz do mix after all. Hindi lamang dahil marami nang mga basketball players ang nag-showbiz kundi dahil na rin sa bagong development sa buhay ng bunso ni dating Pangulong Cory Aquino na si Kris Aquino.

Balitang-balita nga na nagkakaigihan ngayon sina Kris at dating kasintahang cager ni Assunta de Rossi na si Rommel Adducul matapos manood ang dalawa ng Catch Me If You Can.

Hindi kinakaila ng binatang cager na gusto niya ang pagiging matalino ni Kris at gusto umano niya itong kausap.

Kris is five years older kay Rommel. Thirty-two na si Kris at twenty-seven naman ang rookie ng Ginebra Kings.

Gusto rin klaruhin ni Rommel na hindi umano siya ang dahilan ng break-up nina Kris at Parañaque Mayor Joey Marquez.

Si Rommel na nga kaya ang hinahanap na Mr. Right ni Kris? At kung saka-sakaling mauwi sa maganda ang kanilang relasyon, wala na sigurong magiging problema sa pamilya ni Kris dahil bukod sa nagmula sa mahusay na pamilya si Rommel, he is also a good-natured person at very strong ang paniniwala sa Diyos.
* * *
Nagbunga rin nang maganda ang pagpi-pinch-hit ni Joey Marquez sa programang S-Files sa tuwing naga-absent either si Richard Gomez o Paolo Bediones dahil mainstay na siya ng Sunday afternoon showbiz-oriented talk show simula kahapon.

Maganda umano ang naging feedback sa paghu-host ni Joey kaya nagdesisyon ang pamunuan ng GMA-7 na gawin na siyang regular host ng programa.

Pero sa pagpasok ni Joey, nagkaroon ng mga haka-haka na tuluyan na umanong mawawala sa programa si Paolo Bediones at maiiwan na lamang sina Janice de Belen, Richard Gomez at Joey Marquez kaya agad itong pinabulaanan ni Paolo mismo.
* * *
Speaking of GMA-7, masaya ang pamunuan ng nasabing TV network sa magandang takbo ngayon ng programang Daboy en da Girl na pinangungunahan nina Rudy Fernandez at Rosanna Roces kasama sina Alma Moreno, Jeffrey Quizon, Sunshine Dizon, Manay Lolit Solis, Caloy Alde, Sexbomb Dancers, Robert Ortega at marami pang iba dahil patuloy na tumataas ang rating ng sitcom.

Sa Pebrero 20, magiging espesyal na panauhin ng programa ang mag-asawang Ronnie at Mariz Ricketts na kapwa makikigulo sa cast.
* * *
Nang-agaw ng eksena ang 9-month old son nina Andrew E. at Mylene na si Andrew Fordy sa presscon ng AB Normal College nung nakarang Miyerkules ng gabi na ginanap sa penthouse ng Viva office. Pinagkaguluhan ng mga entertainment writers ang guwapong anak ng rapper-comedian at proud naman siyempre si Andrew E. dahil hindi umano sa kanya nagmana ang mukha ng kanyang anak.

Tulad nina Ogie Alcasid (na kasama rin ni Andrew E. sa movie) at wife nitong si Michelle Van Eimeren, ang mag-asawang Andrew at Mylene rin ang nag-aalaga sa kanilang baby at hindi nila ito inaasa sa yaya. Kaya naman, kapag may lakad si Andrew, madalas niyang isinasama ang kanyang mag-ina.

Thirty-two si Andrew E. nang siya’y mag-asawa at 35 naman nang siya’y maging ganap na ama. Ipinanganak si Fordy (palayaw ng bata) nung April 14, 2002 at buwan-buwan, every 14th of the month ay sini-celebrate nila ang kanyang kaarawan.

"Kumpleto na ang kaligayahan ko ngayong narito na si Fordy," bulalas ni Andrew E.

Ngayong isu-showing na ang pelikulang AB Normal College na dinirek ni Al Tantay, lilipat naman si Andrew sa FLT Films para simulan ang Beach Boy na pagsasamahan nila nina Asi Taulava at Carlos Agassi na ididirek ni Ipe Pelino.
* * *
Si Gary Estrada na mismo ang nagsabi na matatagalan pa marahil na magbalik-showbiz ang kanyang wife na si Bernadette Allyson dahil mataba umano ito matapos isilang ang kanilang first baby. Kailangan pa umanong magpapayat si Berna bago nito maibalik ang dating timbang.

Si Gary ay isa sa cast ng You and Me Against The World na pinangungunahan nina Robin Padilla at Kris Aquino.
* * *
E-mail: <a_amoyo@pimsi.net>

Show comments