Papalit-palit ang kanyang katulong dahil walang makatagal sa kanyang ugali. Kailan lang ay tumawag na naman ito sa suking agency para kumuha uli ng housemaid. Nang dumating ito sa opisina ay nagtakbuhan ang mga katulong at nag-tago dahil ayaw nilang manilbihan sa singer-actress kahit maganda ang sweldo.
Tinatanggap naman ng mommy niya si Assunta kapag dumadalaw ito na kasama pa ang dalawang anak ni Jules. Pero, matatagalan pa ayon kay Mommy Neth bago niya matanggap na manugang ang kabiyak ni Assunta. Mabuti na lang at nariyan pa si Alessandra na sinasamahan niya sa mga lakad nito tulad ng presscon, tapings o syuting.
Ayaw umasa ni Alex dahil mabibigat ang kanyang mga kalaban gaya nina Vilma Santos, Ara Mina at iba. Kahit pa sinasabing magaling siya at nagtamo na ng dalawang award bilang best supporting actress sa Azucena at Hubog.
Abala ito ngayon sa syuting ng The Cory Quirino Kidnap Story: NBI Files kung saan gagampanan ang papel na assistant ni Cory. Hindi lang niya alam kung ipakikita sa pelikula ang sagot sa mga tanong kung totoong na-rape sila ni Cory sa kamay ng mga kidnappers.
Sinabi pa ni Raymond na hindi naman nabawasan ang pagmamahal niya kay Lara kaya wala pa siyang balak na ipa-annul ang kanilang kasal.
Ayon kay Raymond, hindi pa siya handang umibig muli pero, malaya na sila ni Lara. Sakaling magka-boyfriend ang kanyang dating asawa ay masasaktan din siya pero karapatan nito na pumili ng bagong iibigin.
Sa taong ito, ini-endorse ng Soroptimist International (Dasma-Salcedo Club) kung saan ang inyong lingkod ang presidente ang masipag na gobernador ng Bulakan na si Hon. Josie dela Cruz.
Sa isang pakikipag-usap sa kanya noong Huwebes ay napag-alaman namin kung bakit karapat-dapat lang na mabigyan siya ng award dahil sa kanyang livelihood program. Sa pamamagitan ng kanyang Panlalawigang Komisyon ng mga Kababaihan ay may programa siya tungkol sa pagbibigay ng puhunan mula 2,000 hanggang 10,000 (individual) at 100,000 naman sa organization na gustong magkaroon ng puhunan sa negosyo. May kabuuang 2,000 kababaihan na ang nabibiyayaan.
Sa Marso 7 siya gagawaran ng parangal mula sa Soroptimist International, Philippines 2 n.h. sa Club Filipino.