Salamat din dahil sa wakas ay dinalaw ako sa show ni Aga Muhlach. Salamat din sa pagpapaunlak nina Nora Aunor, Regine Velasquez, Jolina Magdangal at sa lahat-lahat. Hindi ko man mabanggit ang iba, mula sa puso ko lubos ang aking pasasalamat sa inyo na nagbigay oras para sa show.
Dalawang Sabado pa tatakbo ang selebrasyon ng ating anibersaryo. Sana nga maraming taon pa tayong mag-sama-sama ng walang tulugan...
Sa aking pagkakaalam kasi, 70% ng tapos ang pelikula. Kaya parang malabo ang ganitong balita.
Saka sigurado akong hindi papayag ang mga fans ng dalawa. Palagay ko mali ang naglalabasan.
Eh ano naman ito, nalaman ko na wala naman ganitong plano ang Dos. Dapat lang naman. Bakit naman nila gagawin ito?
Alam naman nating lahat na sa ABS-CBN nagsimula at nagkapangalan si Jolina kaya sigurado akong hindi nila gagawin yun. O kung meron man, baka naman nagkataon lang.
Napakabait na bata ni Jolens para pahirapan siya ng ganoon ng ABS-CBN.
Basta ang importante ngayon, panoorin nating lahat ang kanyang concert sa March 1 na gaganapin sa Araneta Coliseum.
Ngayon lang sa buong history ng VRB nangyari ang ganitong kalaki ng bilang ang nakumpiska ng grupo ng VRB. Ayon na rin sa mga theater owners, maganda ang naging epekto nito.
Sino kaya ang mas maraming mahahatak na audience? Abangan natin!