Ayon sa press release ng kampo ni Jolina, gagamitin daw ng ABS-CBN ang lahat ng artista ng Talent Center para tapatan ang show ng singer-actress.
"We wont stoop down to their level," sabi ng kausap namin. "Theres no truth to that. There are no preparations because we are not mounting any show on the said date," paglilinaw pa ng kausap namin.
Malinaw kasi na may gusto na namang gamitin ang artista ng Talent Center for their own benefit.
Nakikiusap lang ang management ng Talent Center na huwag silang gamitin para pag-usapan ang project ng ibang artista.
Nang si Danilo na ang pakiusapan na kumanta for Tita Malou, kinailangan pa itong pilitin ni Aiza para pumunta sa stage. Nang simulan na ni Danilo ang kantang "Superman", dinaga ito at hindi na nakakanta.
Sa lahat ng natsismis kay Danilo, mukhang kay Aiza boto ang manager ng binata. Nakikitawa si Direk Chito Roño sa kantyawan sa kanyang alaga at sa ka-loveteam nito. We heard na kahit ang mommy ni Aiza ay giliw kay Danilo dahil sa magandang ugaling ipinapakita nito.
Aminin man nina Danilo at Aiza ang kanilang relasyon, walang magiging problema lalo pat sila naman ang magka-loveteam sa bagong teleserye ng ABS-CBN na nakatakdang magsimula ngayong Pebrero.
Dahil birthday niya, in-invite ni Direk Chito at Olive si Tita Malou sa isang dinner. After office, tumungo sila sa Salo Restaurant kung saan naroroon ang lahat ng kaibigan ng may kaarawan. Present sina Maricel Soriano, Judy Ann Santos, Lorna Tolentino, Diether Ocampo, Carlos Agassi, Jericho Rosales, Marvin Agustin, Rica Peralejo, Bernard Palanca, Onemig Bondoc, Camille Prats, John Prats, Aiai delas Alas, Eula Valdez, Angelica Panganiban, Carlo Aquino, Serena Dalrymple, Ricky Davao, Mymy Davao at ilan pang kaibigan sa showbiz.
Nakisaya rin ang mga ABS-CBN bosses na sina Mr. Freddie Garcia, Mr. Johnny Manahan, Ms. Charo Santos-Concio, Ms. Cory Vidanes, Ms. Mariole Alberto, Ms. Leng Raymundo, Mr. Enrico Santos, Mr. Deo Endrinal, Mr. Lawrence Tan at mga director na sina Laurice Guillen, Joey Reyes, Wenn Deramas, Gilbert Perez, Trina Dayrit, Malu Sevilla, Mae Cruz, Tots Mariscal-Sanchez at mga kaibigang sina Tess Fuentes, Elma Medua, Zel Samson, Tita Angge at Manny Valera.
Last to arrive was Mrs. Lily Monteverde na nagbigay ng very touching message for Tita Malou whom she calls her daughter dahil sa kanya pala ito nagsimula.
In her birthday message, inamin ni Tita Malou na ang gabing yun ang pinakamasayang birthday nya dahil nakita niya ang mga taong nagmamahal sa kanya.
Ang nakakatuwa sa hosts ng Magandang Umaga Bayan na sina Julius Babao at Erwin Tulfo, may effort sila na pagbatiin ang dalawang sexy actresses. Sabi ni Regine, it would be best na magkaayos sila at magkapatawaran. Ang pakiusap lang nito kina Erwin at Julius, mas gusto nilang gawin ang pag-uusap in person at hindi sa ere.
Willing pa rin pala si Regine na muling maka-dance showdown ni Angela. Kailangan lang muna niyang pagalingin ang kanyang sprained ankle.
So, ibig kayang sabihin non ay, alls well that end well with Angela and Regine? Sana naman.