Dos walang inihandang show katapat ng kay Jolina
February 6, 2003 | 12:00am
Tinawanan lang ng isang executive ng ABS-CBN Talent Center ang nasulat na isang show ang itatapat ng ABS-CBN sa concert ni Jolina Magdangal sa March 1.
Ayon sa press release ng kampo ni Jolina, gagamitin daw ng ABS-CBN ang lahat ng artista ng Talent Center para tapatan ang show ng singer-actress.
"We wont stoop down to their level," sabi ng kausap namin. "Theres no truth to that. There are no preparations because we are not mounting any show on the said date," paglilinaw pa ng kausap namin.
Malinaw kasi na may gusto na namang gamitin ang artista ng Talent Center for their own benefit.
Nakikiusap lang ang management ng Talent Center na huwag silang gamitin para pag-usapan ang project ng ibang artista.
Sa birthday party ni Tita Malou Santos, Managing Director ng Star Cinema na ginanap sa Salo Restaurant, sabay na dumating sina Danilo Barrios at Aiza Marquez. May nakapagbulong sa amin na galing sa panonood ng sine ang dalawa. Hindi namin alam kung inamin na nila ang kanilang relasyon pero mukhang may namumuo na ngang relasyon sa dalawa. May effort ang dalawa na itago ang sweetness nila pero nahahalata pa rin. Nang magpaunlak ng kanta si Aiza, panay ang tingin nito kay Danilo na nakaupo lang sa bar.
Nang si Danilo na ang pakiusapan na kumanta for Tita Malou, kinailangan pa itong pilitin ni Aiza para pumunta sa stage. Nang simulan na ni Danilo ang kantang "Superman", dinaga ito at hindi na nakakanta.
Sa lahat ng natsismis kay Danilo, mukhang kay Aiza boto ang manager ng binata. Nakikitawa si Direk Chito Roño sa kantyawan sa kanyang alaga at sa ka-loveteam nito. We heard na kahit ang mommy ni Aiza ay giliw kay Danilo dahil sa magandang ugaling ipinapakita nito.
Aminin man nina Danilo at Aiza ang kanilang relasyon, walang magiging problema lalo pat sila naman ang magka-loveteam sa bagong teleserye ng ABS-CBN na nakatakdang magsimula ngayong Pebrero.
Kitang-kita namin ang pagka-surprise ni Tita Malou Santos nang dumating sa Salo Restaurant para sa isang surprise birthday party na inihanda nina Olive Lamasan, Rory Quintos at Chito. Nakakatuwa ang kwento kung paanong dinala nina Direk Olive and Chito si Tita Malou sa venue.
Dahil birthday niya, in-invite ni Direk Chito at Olive si Tita Malou sa isang dinner. After office, tumungo sila sa Salo Restaurant kung saan naroroon ang lahat ng kaibigan ng may kaarawan. Present sina Maricel Soriano, Judy Ann Santos, Lorna Tolentino, Diether Ocampo, Carlos Agassi, Jericho Rosales, Marvin Agustin, Rica Peralejo, Bernard Palanca, Onemig Bondoc, Camille Prats, John Prats, Aiai delas Alas, Eula Valdez, Angelica Panganiban, Carlo Aquino, Serena Dalrymple, Ricky Davao, Mymy Davao at ilan pang kaibigan sa showbiz.
Nakisaya rin ang mga ABS-CBN bosses na sina Mr. Freddie Garcia, Mr. Johnny Manahan, Ms. Charo Santos-Concio, Ms. Cory Vidanes, Ms. Mariole Alberto, Ms. Leng Raymundo, Mr. Enrico Santos, Mr. Deo Endrinal, Mr. Lawrence Tan at mga director na sina Laurice Guillen, Joey Reyes, Wenn Deramas, Gilbert Perez, Trina Dayrit, Malu Sevilla, Mae Cruz, Tots Mariscal-Sanchez at mga kaibigang sina Tess Fuentes, Elma Medua, Zel Samson, Tita Angge at Manny Valera.
Last to arrive was Mrs. Lily Monteverde na nagbigay ng very touching message for Tita Malou whom she calls her daughter dahil sa kanya pala ito nagsimula.
In her birthday message, inamin ni Tita Malou na ang gabing yun ang pinakamasayang birthday nya dahil nakita niya ang mga taong nagmamahal sa kanya.
Sa episode ng Magandang Umaga Bayan noong Martes, sabay na in-interview via phone patch sina Angela Velez at Regine Tolentino. Nabigyan ng pagkakataon na magbigay ng kani-kanilang panig ang dalawa tungkol sa insidente na naganap sa dance showdown nila sa ASAP. Kumpara sa kanyang The Buzz interview, mas mahinahon na si Regine sa kanyang mga pahayag. Consistent naman si Angela sa kanyang statement na hindi niya intensyon na isabotahe si Regine. In fact, ilang beses na itong nag-sorry kay Regine.
Ang nakakatuwa sa hosts ng Magandang Umaga Bayan na sina Julius Babao at Erwin Tulfo, may effort sila na pagbatiin ang dalawang sexy actresses. Sabi ni Regine, it would be best na magkaayos sila at magkapatawaran. Ang pakiusap lang nito kina Erwin at Julius, mas gusto nilang gawin ang pag-uusap in person at hindi sa ere.
Willing pa rin pala si Regine na muling maka-dance showdown ni Angela. Kailangan lang muna niyang pagalingin ang kanyang sprained ankle.
So, ibig kayang sabihin non ay, alls well that end well with Angela and Regine? Sana naman.
Ayon sa press release ng kampo ni Jolina, gagamitin daw ng ABS-CBN ang lahat ng artista ng Talent Center para tapatan ang show ng singer-actress.
"We wont stoop down to their level," sabi ng kausap namin. "Theres no truth to that. There are no preparations because we are not mounting any show on the said date," paglilinaw pa ng kausap namin.
Malinaw kasi na may gusto na namang gamitin ang artista ng Talent Center for their own benefit.
Nakikiusap lang ang management ng Talent Center na huwag silang gamitin para pag-usapan ang project ng ibang artista.
Nang si Danilo na ang pakiusapan na kumanta for Tita Malou, kinailangan pa itong pilitin ni Aiza para pumunta sa stage. Nang simulan na ni Danilo ang kantang "Superman", dinaga ito at hindi na nakakanta.
Sa lahat ng natsismis kay Danilo, mukhang kay Aiza boto ang manager ng binata. Nakikitawa si Direk Chito Roño sa kantyawan sa kanyang alaga at sa ka-loveteam nito. We heard na kahit ang mommy ni Aiza ay giliw kay Danilo dahil sa magandang ugaling ipinapakita nito.
Aminin man nina Danilo at Aiza ang kanilang relasyon, walang magiging problema lalo pat sila naman ang magka-loveteam sa bagong teleserye ng ABS-CBN na nakatakdang magsimula ngayong Pebrero.
Dahil birthday niya, in-invite ni Direk Chito at Olive si Tita Malou sa isang dinner. After office, tumungo sila sa Salo Restaurant kung saan naroroon ang lahat ng kaibigan ng may kaarawan. Present sina Maricel Soriano, Judy Ann Santos, Lorna Tolentino, Diether Ocampo, Carlos Agassi, Jericho Rosales, Marvin Agustin, Rica Peralejo, Bernard Palanca, Onemig Bondoc, Camille Prats, John Prats, Aiai delas Alas, Eula Valdez, Angelica Panganiban, Carlo Aquino, Serena Dalrymple, Ricky Davao, Mymy Davao at ilan pang kaibigan sa showbiz.
Nakisaya rin ang mga ABS-CBN bosses na sina Mr. Freddie Garcia, Mr. Johnny Manahan, Ms. Charo Santos-Concio, Ms. Cory Vidanes, Ms. Mariole Alberto, Ms. Leng Raymundo, Mr. Enrico Santos, Mr. Deo Endrinal, Mr. Lawrence Tan at mga director na sina Laurice Guillen, Joey Reyes, Wenn Deramas, Gilbert Perez, Trina Dayrit, Malu Sevilla, Mae Cruz, Tots Mariscal-Sanchez at mga kaibigang sina Tess Fuentes, Elma Medua, Zel Samson, Tita Angge at Manny Valera.
Last to arrive was Mrs. Lily Monteverde na nagbigay ng very touching message for Tita Malou whom she calls her daughter dahil sa kanya pala ito nagsimula.
In her birthday message, inamin ni Tita Malou na ang gabing yun ang pinakamasayang birthday nya dahil nakita niya ang mga taong nagmamahal sa kanya.
Ang nakakatuwa sa hosts ng Magandang Umaga Bayan na sina Julius Babao at Erwin Tulfo, may effort sila na pagbatiin ang dalawang sexy actresses. Sabi ni Regine, it would be best na magkaayos sila at magkapatawaran. Ang pakiusap lang nito kina Erwin at Julius, mas gusto nilang gawin ang pag-uusap in person at hindi sa ere.
Willing pa rin pala si Regine na muling maka-dance showdown ni Angela. Kailangan lang muna niyang pagalingin ang kanyang sprained ankle.
So, ibig kayang sabihin non ay, alls well that end well with Angela and Regine? Sana naman.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended