Saludo kay Dolphy ang Pelikula at Lipunan

Muling magaganap sa buwang ito sa mga sinehan ng SM ang taunang film festival na Pelikula at Lipunan na itinataguyod ng National Commission for the Culture and the Arts (NCCA) at organisado ng Film Academy of the Philippines (FAP) at Mowelfund Film Institute (MFI).

Nasa ika-10 taon na ang nasabing film festival at isa sa mga highlights nito ay ang Salute to the country’s King of Comedy, si Dolphy, sa pamamagitan ng isang Asian program na magpapakita ng best of Asian cinema plus the Philippine Premiere of acclaimed foreign films. Tulad ng mga nagdaang taon, ang Festival ay magaganap din sa mga key cities ng bansa tulad ng Iloilo at Baguio.

Isa pa ring libro tungkol sa kasaysayan ng Philippine film ang ilulunsad sa Peb. 12, 5 n.h. sa lobby ng Cinema 6 ng SM Megamall.

Ito ang "Cine: Spanish Influences on Early Cinema in the Philippines", isang libro na nagtataglay ng 426 na pahina at sinulat ng award winning filmmaker na si Nick Deocampo ng 20 taon na may historical data na nakalap sa mga libraries at archives tulad ng US Library of Congress, Cinematheque Francais and Smithsonian Institute.

For book reservation, tumawag sa 727-1915 o e-mail sa nad@pacific. net.ph.

Show comments