Hindi puwedeng tawaran ang kakayahan ni Irol. Bukod sa pagpapatawa sa telebisyon, he has also done theatre acting. Nagbida na siya sa isang series of performances ng Florante at Laura bilang Florante. Isa ring mahusay na singer si Irol. Minsan na siyang nanalo sa isang pakontes na Gary Valenciano-sing-alike.
"Im a happy person by nature," sabi ni Irol. "Masayahin akong tao kaya yun ang napansin sa akin kesa sa pagiging singer ko. Kaya kapag masayahing tao rin ang nakakasama ko, asahan mo, sasabog na kami sa tawanan. But I can also do straight drama acting."
Sa ngayon, masaya si Irol sa mga guesting na ginagawa niya sa ibat ibang comedy programs. Kapag hindi abala sa pag-arte, he is a teacher sa isang pre-school para sa mga bata. He also does hosting for corporate shows and dubs for commercials and Tagalized telenovela.
Hindi nagmamadali si Irol. Naniniwala siya sa tinatawag na right timing at kapag dumating yun, that will be the time na masasabi na niyang isa na siyang full-time actor. Sa ngayon, he is under the Artist Registry of ABS-CBN Talent Center headed by Luz Bagalacsa, the same handler nina Aiza Marquez, Melissa Martinez, Gem Ramos at Sarji Ruiz.
Itinanggi ni Kyla na minsan din siyang niligawan ni John Lloyd Cruz. Minsan ay nabanggit sa akin ni John Lloyd na nagagandahan siya kay Kyla. Minsan lang daw sila nagkasama sa isang show pero hindi niya naramdaman na may attraction sa kanya ang binatang aktor. Aniya, "At saka nung nagkasama kami sa show na yun, sila na ni Ciara (Sotto) kaya imposible."
Maswerte si Kyla dahil sa show ni Ronan Keating sa February 13 sa Araneta Coliseum ay bukod-tanging siya lang local artist na makaka-duet ng popular singer. Marami nga ang nagsasabi na baka after marinig ni Ronan ang boses ni Kyla ay ma-in love ito sa kanya, bagay na tinawanan lang ng dalagang singer.
Bukod kay Kyla, kasama rin sa Ronan Keating: Destination Manila concert sina Aiza Seguerra, Luke Mejares at The CompanY.
Magkasama sina John Lloyd at Kaye sa isang show sa Los Angeles at San Diego, California. Matagal na kasing inaasam ng mga Pinoy doon na makita ang popular Tabing Ilog loveteam. Sikat na sikat sa Pinoy community sa States ang nasabing teen drama series ng ABS-CBN lalo pat napapanood ito sa The Filipino Channel.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na pupunta si John Lloyd sa America kaya excited ito. Kasama niya ang kanyang mommy sa nasabing trip. Sayang dahil plano ni John Lloyd na bisitahin ang kanyang kapatid na nagtatrabaho sa New York, pero hindi ito matutuloy dahil kulang sa panahon.
Sa pag-alis nina John Lloyd at Kaye, may mga nagbiro na baka may ma-rekindle sa kanilang past romance. Knowing John Lloyd, pangiti-ngiti lang ito.
Sa February 10 ang balik nina John Lloyd at Kaye mula sa America.