Matapos itong magparamdam sa Mano Po, agad ay umarangkada ito sa Sukdulan na kung saan dahilan sa mga maiinit na eksena nila ni Katya Santos ay mas napansin siya kaysa sa mga ibang lalaking artista na kasama sa pelikula.
Ang maganda kay Carlo ay tumatanggap siya ng pagpuna hindi lamang sa kanyang pag-arte kundi maging sa mga personal na bagay tungkol sa kanya. Ilan kami na nagsulat ng mga negatibong bagay tungkol sa kanya pero, sa halip na magalit ay nagpasalamat pa siya at nangakong pag-aaralan niya ang aming mga isinulat tungkol sa kanya.
For sure may nakahanda ng follow-up movie sa kanya ang Viva but meanwhile, mayroon agad siyang nakuhang isang international movie para sa HBO movie na inaasahang magpapalaki pa sa kanyang pangalan at katayuan bilang artista.