Ang pagbabati nina Gelli at Regine

Ano ang mangyayari kapag nag-krus ng landas sina Gelli de Belen at Regine Velasquez na nasaksihan nating lahat kung paano nagpalitan ng maaanghang na salita? Taon na ang lumipas mula nang mamagitan sa kanilang dalawa ang isang Ariel Rivera – na naging boyfriend ni Regine na ngayon ay asawa na ni Gelli.

Ngayong Lunes sa Sis, maghaharap sina Regine at Gelli na minsan ay naging kontrobersyal dahil sa pag-ibig. Totoo na kaya ang kanilang pagbabati? Wala na ba talagang namamagitang sama ng loob dala ng kanilang nakaraan? Masasaksihan sa kanilang pag-uusap kung gaano sila ka-sinsero sa isa’t isa.

Huwag palalagpasin ang pinakahihintay na pagtatagpo ng dalawa. Manood ng Sis ngayong Lunes, 10 n.u. sa GMA.

Show comments