^

PSN Showbiz

GRR, ilulunsad

-
Ipapakilala sa publiko ng beauty expert na si Ricky Reyes ang signature models ng 2003 Gandang Ricky Reyes sa isang natatanging palabas sa FAB Theater 6:00 o’clock p.m. bukas, February 4, 2003.

Sa pagkakataong ito, Mother Ricky will also introduce the new salon look, at latest technology and a visual campaign of the beauty trends sa Year of the Goat.

Sa direksyon ni Floy Quintos, ang special show kung saan tampok ang original GRR endorser na ang actress-beauty queen na si Ruffa Gutierrez. Gayundin ang mga modelo na "Gandang Pamilya" (Mrs. Cristy Garcia and daughters Tanya, Tricia at Denise), "Ganda Barkada" (Roxanne Barcelo, Angel Locsin, Karen delos Reyes at Sherwin Ordoñez) at "Ganda Ng Lola Mo, ‘Noh? (all-time movie queen Ms. Gloria Romero).

Ang mga dance numbers ay hatid ng grupong Hot Legs. Si May Bayot naman ang aawit ng "I Am Changing" na akma ang lyrics sa theme ng Ganda 2003. Ang makakasama ni Ms. Romero sa finale number ay mga sorpresang beauty queens. Ang mga gowns na kanilang isusuot ay disenyo ng mga sikat na couturiers ng bansa.

Napakalaki at kakaibang launching ito. Sabi nga ni Ms. Romero, "Sa ginagawang paghahanda ni Ricky sa show ay naalala ko ang thrill at excitement na naramdaman ko noong ipakilala ako ni Doc Jose Perez bilang new star ng Sampaguita. Feel ko nga, hindi ako 69 years old ngayon. Para akong debutante uli."

ANGEL LOCSIN

CRISTY GARCIA

DOC JOSE PEREZ

FLOY QUINTOS

GANDA BARKADA

GANDA NG LOLA MO

GANDANG PAMILYA

GANDANG RICKY REYES

MS. ROMERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with