"I find it weird to be included in the list because I believe there are a lot more beautiful people in the world than me," ang sabi niya sa ilang press people na inimbita ng Vicor Music Corporation para sabihin kung bakit madalas makita rito si Paolo at kung bakit matagal na siyang nasa bansa.
Baka nga naman sabihin ng marami na napaka-cheap niya at nagkakalat siya rito dahil wala siyang magawa at hinalain nila na lumipat na siya ng kanyang home base, from the US to the Philippines.
Pero, ang totoo, naririto sa bansa si Paolo para gumawa ng album sa Vicor. Aalis na siya sa Pebrero 6 para bumalik ng LA na kung saan siya ay naka-based. Babalik siya sa buwan ng April para sa promotion ng kanyang self-titled debut album.
Excited si Paolo sa kanyang project sa Vicor. Aniya ay hindi pa niya ito nagagawa sa US na kung saan ay uso ang rap. Mas komportable siya sa mga ballads.
Ang album niya ay naglalaman ng anim na original songs at apat na revivals.
Twenty eight years old na si Paolo na matapos mapiling Prince Charming para sa pelikulang Cinderella apat na taon na ang nakakaraan ay nagbago na ang buhay.Sa dami ng nag-audition para sa role, alam na agad ng lahat, at maging ni Whitney, na siya na ang mapipili nang dumating siya sa huling araw ng audition. Ang description nila sa kanya ay " gorgeous man with a heart, a pinup type that girls would instinctively know their mothers would love and trust".
Close siya sa kanyang mga magulang na parehong chemist pero, minabuti niya na bumukod ng tirahan sa kanila at manirahan ng mag-isa sa isang apartment sa Manhattans Hells Kitchen and keeps in shape by lifting weights and rollerblading.
May isang nakatutuwang karanasan si Paolo nung second day niya sa Pilipinas. Papunta na siya ng Vicor para makipag-meeting pero limang oras siyang naipit sa traffic sa Edsa na nagdiriwang ng Edsa ll.