Dance showdown sa ASAP, sobrang laswa

Starting Monday, balik TV si Tessie Tomas via Teysi. Pero kakaibang Tessie ang mapapanood natin, mas marami na siyang ituturong practical tips sa mga misis. Mismong si Tessie ang nagsabi tungkol dito.

Matagal-tagal din nating na-miss si Miss Tessie - actually six months pagkatapos niyang mag-decide na mag-concentrate sa kanyang family life after Feel at Home. Nag-end kasi ang contract niya no’n sa ABS-CBN at nag-decide na lang siyang hindi mag-renew.

During that particular time, nagkaroon din siya ng chance ma-trace ang root ng kanilang family sa Santander Spain na dying wish ng kanyang amang si Fernando (who passed away in 1983). Two days siyang nag-research sa kanilang geneology. "And I am keeping my fingers crossed but its seems we are related to Francisco Hermosa, Conde de Torrehermosa who owns a palace in Pamanes, a town outside Santander, kaya huwag isnabin ang mga Hermosa," she said sa isang letter for the press.

Naka-attend din siya last Nov. ng 90th birthday ng kanyang mom-in-law na si Edna Jessie Pullin, mother ng husband niyang si Roger Pullin. "From London, we took the train to York and the big party was at Deighton Grove, the stately old house where Roger’s sister Gill and husband Dave live," she added.

Na-enjoy nga ng husto ni Aling Teysi ang six months vacation niya.

In any case, makaka-back-to-back ni Teysi ang Morning Girls with Kris and Korina na na-extend.
* * *
Suwerte naman ni Katya Santos. Imagine naka-P6 million ang launching movie niyang Sukdulan with Raymond Bagatsing and Carlo Maceda. Kunsabagay, sobrang sipag naman kasing mag-promote ni Katya. Lahat yata ng show sa ABS-CBN, nag-guest siya.

Tapos all-out talaga siya sa movie na nagpa-excite sa mga moviegoers. Sabi nga ng iba may bagong title na siya, Katya pambansang boobs ng Pilipinas.’

Last Thursday night, nagbigay ng victory party ang Viva. Nagri-ready na rin sila para sa follow-up movie ng actress kung saan siya naka-kontrata.
* * *
Isang reader ng PSN ang nagri-react tungkol sa episode ng ASAP kamakailan"

"May nabasa akong article about dance showdown ng ASAP at gusto ko lamang magbigay ng reaction.

"Wala bang self-censorship ang ASAP o ang ABS-CBN? Napanood ko kasi yung dance showdown na nabanggit nung Sunday 1/26/2003 at iisa ang naging reaction naming lahat na nanonood dito sa bahay, napakalaswa ng presentasyon ng ginawa nila. Oo, nandon na tayo at sinasabing competition lang yung nangyayari pero mag-isip naman sila. Noontime yung show and yet ano ang pinagawa nila kay Angela Velez? Pinagsayaw na halos wala ng suot na damit. Pero ang mas malaswa roon ay yung parte na nagsasayaw siya habang ang mga dancers na nakapalibot sa kanya ay binubuhusan siya ng tubig. Napakapangit ng naging presentasyon na yun para sa isang noontime variety show on TV. Dinaig pa nila ang mga floor show sa mga beerhouse.

"Sabihin na nating wala akong magagawa at hindi kayang pigilan sila na gawin ang mga ganoong klaseng sayaw pero pumili naman sila ng ibang time slot at venue na gagawan ng ganon klaseng show. I have nothing against Ms. Angela Velez, in fact, isa siya sa magagaling nating dancers sa ngayon. Ang gusto ko lang i-point out dito ay yung proper venue at proper time para sa mga ganon klaseng show. Napanood ko rin si Angela sa Showgirl at napakahusay niya.

"Sumayaw pa siya ng naka-topless at glitters lang ang inilagay sa nipple niya pero napabilib niya pa rin ako sa galing niya. Sinasabi ko ito para bigyang diin lang na walang masama kung magsayaw siya ng ganoon pero nagiging malaswa lang ito kung ito’y ginagawa sa maling panahon at maling lugar.

"Nagiging comment tuloy ng mga kasambahay ko dito na pag-ASAP daw ang pinapanood mo alin man sa mahilig ka sa beerhouse or mahilig ka sa gaybar (because of the Hunks na parang mga macho dancer).

Siguro mas nararapat na ang management ng ABS-CBN at ng ASAP ang pagtukuyan ng mensaheng ito."
* * *
Salve V. Asis’ e-mail – salveasis@yahoo.com/psnbabytalk@hotmail.com

Show comments