Ikalawang sagupaan nina Rachel at Geneva

Magsasama ulit sina Rachel Alejandro at Geneva Cruz para sa repeat ng kanilang successful back-to-back concert na Showdown, na ginanap sa Music Museum noong October.

Ang repeat ay gaganapin sa Aliw Theater, Star City, 9 p.m. para sa Libreng Concert Sa Magpupunta sa Star City bilang post-Christmas at New Year treat. Ang show ay libre para sa lahat ng magpupunta ng Star City ngayong Biyernes, January 31.

Ang grupo sa likod ng Rachel and Geneva’s successful Music Museum show ay magbabalik ulit para sa libreng Star City concert. Ang grupo ay pinangungunahan ng writer-director na si Floy Quintos at musical director Marc Lopez.

Sina Rachel at Geneva na kilala bilang magaling na dancers ay sasabayan din ng Whiplash dancers.

Para sa detalye ng Showdown sa Star city, tumawag sa telephone number 832-6169.

Pagkatapos ng kanilang Star City show, magsasama ulit sina Rachel at Geneva sa isa pang back-to-back show sa Hong Kong Golden Pavillion Restaurant (ground floor ng Heritage Hotel). Ito ay sa February 8, 2003, 9 p.m.

Samantala, si Rachel ay tutuloy para sa kanilang show sa Tagaytay, para sa kanilang PAGCOR Casino kasama ang 70s Kilabot ng Kolehiyala Hajji Alejandro. Bilang post-Valentine treat sa February 15.

Show comments