Willie babalik sa MTB; Roderick, Amy, Dominic, Marvin di na kasali
January 31, 2003 | 12:00am
Kung sigurado na ang pagbabalik ni Willie Revillame sa Magandang Tanghali, Bayan! sa Pebrero 15, pagkatapos ng dalawang taon ng absence dito, ay babalik na sa kanyang pinag-ugatan ang komedyante, kung saan siya napatalsik nung Pebrero 2, 2001.
Abala na ngayon ang bagong staff ng programa sa pagbubuo ng mga bagung-bagong segments para sa re-launching ng MTB, matindihang pagsusunog ng kilay ang ginagawa ngayon ng creative department ng Dos, sa pangakong bibigyan nila ng maganda laban ang katapat nilang programa.
Ang kumpirmado nang makakasama ni Wilie sa bagong bihis na MTB ay sina Randy Santiago, Aiai delas Alas, Bayani Agbayani, Dennis Padilla at balita ring makakasama sa show sina Keempee de Leon at Vice-Mayor Herbert Bautista.
Maraming mawawalang hosts, pormal nang kinausap ng mga ehekutibo ng Dos sina Roderick Paulate, Amy Perez, Dominic Ochoa, Marvin Agustin at marami pang iba, bibigyan na lang ng kani-kanyang programa ang mga ito.
Ang pagbabalik ni John Estrada sa MTB ay wala pang katiyakan, indefinite leave kasi ang paalam ng aktor sa programa nung nakaraang Disyembre, at hanggang ngayoy hindi pa rin ito bumabalik sa noontime show.
Opinyon ng marami naming nakakausap ay mas magiging kumpleto ang MTB kung ang ibabalik ng pamunuan ay ang grupo nina John, Willie at Randy, yun kasi ang team na nagbibigay ng magandang laban noon sa Eat Bulaga, ang totoo ay isang taong nilamangan ng MTB noon ang programa nina Vic Sotto at Joey de Leon.
Sana ngay mabuo uli ang grupo ng tatlong hosts, lalaban na rin lang sila nang sabayan ay bakit hindi pa nila buuin ang tropang siguradong makapagbibigay ng ilang gabing kawalan ng tulog sa kanilang kalaban?
Sa pagkakaalam namin ay wala namang personal na hidwaan sina John, Randy at Willie, nagkaroon man ng mga alingasngas noon tungkol sa isyu ng pag-iiwanan, siguroy tapos na ngayon ang kuwento para sa magkakaibigan.
Anuman ang gawin ngayon ay nakabuo na ng tagahanga ang tatlo bilang magkakagrupo, pilay na ang bawat isa sa kanila kapag wala ang isa, kung hosting ang pag-uusapan.
Kunsabagay, kahit naman nagkahiwa-hiwalay ang tatlo ay nagkaroon sila ng kani-kanyang suwerte, si Willie ay muling nakabangon mula sa pagkadapa sa pamamagitan ng Willingly Yours, samantalang si John naman ay tinanggap ng publiko bilang kontrabida sa Kay Tagal Kang Hinintay.
Pero iba pa rin ang kanilang panghatak nang sama-sama sila.
Kung tutuusin ay walang dapat itagong sama ng loob si Willie sa kanyang mga kasamahan, kahit pa may mga kuwentong lumutang na inipit siya ng ibang hosts kaya natuluyan ang pagkawala niya sa programa, dahil malinaw na ngayon ang pangyayari na ang nagmaniobra pala sa kanyang pagkatanggal ay ang isang tagapamahala ng show na kung umasta ay akala mo ito ang may-ari ng istasyon.
Wala na ngayon sa MTB ang taong yun, dahil tulad ni Willie ay ang taong yun din ang isinusuka ng iba pang hosts, kaya inalisan na ng kapangyarihan sa programa.
At kahit kailan naman ay hindi nagtanim ng sama ng loob ang komedyante-TV host sa kanyang mga kasamahan sa MTB, nang maranasan niya ang pinakamatinding dagok sa kanyang career ay isinuko na niya ang lahat ng kaganapan sa Diyos.
Yun ang dahilan kung bakit muling kumatok ang magagandang oportunidad sa kanyang buhay, inumpisahan yun sa Willingly Yours na may mataas na rating, at masusundan pa ngayon ng pagbabalik niya sa MTB.
Wala na ngang mahihiling pa si Willie Revillame, sa takdang panahon ay muling ibinalik sa kanya ng kapalaran ang mga binawi noon sa kanya, na sanay huwag nang pabayaan pa ngayon ng komedyante para huwag na uling magtampo pa sa kanya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended