Palibhasay hindi taga-showbiz si Angela, hindi nito masakyan ang mundong ginagalawan ni Mikey laluna sa showbiz. Pero nagkapaliwanagan silang mag-asawa at naayos naman ang problema sa kanilang pagitan bago ito nauwi sa hiwalayan.
Klinaro ni Mikey sa presscon ng kanyang upcoming movie sa Viva Films na walang katotohanan ang mga tsismis sa kanila ni Rufa Mae liban sa kanilang pagiging magkaibigan lamang.
"Nahiya nga ako kay Rufa Mae dahil kadalaga niyang tao pero nali-link siya sa may-asawa. I have to admit na mabait siyang tao at masarap na katrabaho kaya naman agad kaming naging magka-vibes. Ganun naman ako sa mga co-stars ko, friendly," paliwanag ni Mikey.
Inintriga rin ng mga dumalong movie writers sa presscon ng AB Normal College ang hindi niya pagsusuot ng wedding ring.
"Galing po ako sa shooting ng Masamang Ugat (second movie niya sa Viva kasama sina Ace Vergel, Victor Neri at Maui Taylor). Ipinatanggal sa akin ni Direk Willy (Milan) ang ring kasi binata naman ako sa movie. Tinanggal ko muna at inilagay sa kotse at diretso na ako sa presscon. Then after the presscon, babalik pa ako sa shooting," katwiran niya.
Sa kabila ng kanyang pagiging presidential son at pagiging politician, hindi ikinakaila ni Mikey na nagi-enjoy siya sa kanyang showbiz career kaya hindi niya ito maiwan.
"Senador pa lamang ang nanay ko nang pumasok ako sa showbiz and in fairness naman sa kanya, never niya akong pinigilan. Ang totoo niyan, very supportive pa nga siya sa showbiz career ko," pagmamalaki pa ni Mikey.
Suportado rin ni Mikey ang naging desisyon ng kanyang ina sa hindi nito muling pagtakbo sa darating na halalan.
"She only wanted the best for our country," deklara niya.
Samantala, hindi ikinakaila ni Mikey na nag-enjoy siya nang husto sa filming ng AB Normal College (Todo Na Yan, Kulang Pa Yun) na dinirek ni Al Tantay.
"First time kong nakatrabaho ang mga co-stars ko in the movie at maging si Direk Al (Tantay). I really had fun doing the movie," deklara niya.
Although ipapalabas pa lamang sa Pebrero 12 ang pelikula, nasimulan na rin ni Mikey ang kanyang second project sa bakuran ng Viva Films. Kung all-out comedy ang AB Normal College, straight action naman ang Masamang Ugat na pinagsasamahan nila ni Maui Taylor.
After Rufa Mae Quinto, hindi naman kaya kay Maui siya matsismis?
"Bahala sila. Basta ako, trabaho lang," nangingiti niyang tugon.
"Mas masaya at entertaining ang comedy kaya mas gusto ko itong gawin," aniya.
Ang AB Normal College ay pang-anim na pelikula na niyang nadirek sa bakuran ng Viva kung saan siya nakapirma ng exclusive contract bilang movie director.
Kung tutuusin, walang formal training si Al bilang direktor pero ang pagdidirek ay natutunan na lamang niya sa loob ng 25 na taon niyang pananatili sa showbiz bilang actor at bilang kasama sa creative team ng ibat ibang comedy shows.
"Noon pa man ay mahilig na akong mag-observe sa ibang direktor na nakakatrabaho ko sa pelikula at sa telebisyon," aniya.
"Pero nakatulong sa akin nang malaki ang naging exposure ko sa Bad Bananas, Tropang Trumpo at Oh, Gag. Sa tatlong programa ako nahasa sa pagdidirek until finally napunta ako sa pagdidirek ng pelikula sa tulong ng Viva Films na siyang nagbigay sa akin ng break," patuloy pa niya.
Although busy sa pagdidirek, hindi umano ito nangangahulugan na tinalikuran na niya ang kanyang unang bokasyon, ang pagiging isang actor.
"For as long as meron pa ring nagtitiwala at kumukuha sa akin bilang actor, available pa rin ako," pahayag pa ng dating mister ni Rio Locsin.
Although mahigit sampung taon nang wala sa showbiz si Star, puwedeng-puwede pa rin itong pumasa na leading-lady sa pelikula. Ang last movie niyang ginawa ay ang pelikulang Magdaleno Orbos na pinagtambalan nila ni Eddie Garcia. Nakatambal din niya noon ang action star na si Rudy Fernandez sa Kaaway ng Batas at ang namayapang si Miguel Rodriguez sa pelikulang Hindi Kita Iiwanang Buhay (Kapitan Payle), si Dolphy sa Enteng D Dragon at iba pa.
"Kung hindi ko siguro ginib-ap ang aking showbiz career, baka hindi ako nakapagtapos ng aking pag-aaral," pahayag ng dating Mutya ng Pilipinas-World 1989.