Babae gustong anak ni Dingdong
January 30, 2003 | 12:00am
Nasa ikalimang buwan na ng kanyang pregnancy si Jessa Zaragoza para sa unang anak nila ni Dingdong Avanzado pagkatapos ng may higit na isang taong pagpaplano ng pamilya dahil sa pareho silang abala pa sa kani-kanyang trabaho. Ngayon ay handang-handa na silang harapin ang buhay may pamilya bagamat hindi pa rin sila handa at hindi pa alam kung ano ang mga dapat na gamit ng sanggol sa pagsilang nito.
"Hindi pa kasi namin alam kung babae o lalaki ang isisilang ko, kasi nagpa-ultrasound ako pero hindi pa masilip kung ano talaga ang gender ng baby namin dahil nakatagilid siya nang masilip namin sa monitor. Malikot na kasi," paliwanag ni Jessa. "Kaya hindi pa namin malaman kung ano bang kulay ng mga gamit ng baby ang bibilhin namin.
"Si Dingdong kasi, mas gusto niyang maging babae ang unang anak namin dahil mas malambing daw pag babae at more responsible raw. Ang gusto ko naman ay lalaki kahit noon pa, hangad ko kaagad ay panganay na lalaki."
Kahit daw umano si Martin Nievera ay hinulaan na babae ang magiging anak niya at nagprisinta pa siyang maging ninong nito. Para kay Jessa, kahit ano pa raw ang maging gender ng anak nila ay kinasasabikan na nila itong makita, mayakap, mahalikan at maalagaan.
Kahit buntis na ay hindi pa naman halatang nasa ikalimang buwan na ang tiyan niya kayat puwede pa rin siyang lumabas sa kanyang soap opera sa Dos, ang Bituin, bilang manager ng singer na si Desiree del Valle na kapatid ni Carol Banawa. Puro half-body na lang ang exposure niya upang hindi makita ang kabuntisan niya. Sa kanyang panganganak ay mas gusto niya umano ang normal delivery kaysa caesarian na tulad ng ginagawa ng ibang mga artistang nanganganak. Hindi nga naman niya magagawang mag-work-out muli pagkasilang kung operada siya. Gusto umano ni Dingdong na bumalik sa dating seksing katawan ang asawa. Luz Candaba

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended