Matagal ding namahinga si Tessie sa television - six years to be exact. "Kaya nga nai-excite na ako," she said.
"Mga bagong portion ang mapapanood dito sa Teysi," she added.
Happy na siya sa temporarily separation nila - siya nasa bansa, samantalang nasa Italy ang husband niya kasama ang dalawang anak nila habang nasa kanya ang isa.
In any case, magkakaroon ng special screening ang obra ni Peque Gallaga na Oro Plata Mata kung saan kasama ni Cherie sila Joel Torre, Ronnie Lazaro, Mitch Valdez, Sandy Andolong, Liza Lorena, Melly Mallari, Lorli Villanueva and Abbo dela Cruz today, January 30, Thursday bilang bahagi ng The Flip Movie Club Celebration at Cinema 1 of Greenbelt 3.
Ang Oro Plata Mata ay nanalo ng Special Jury Prize sa 1983 Manila International Film Festival and was voted one of the best films noong 1980s ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino.
Inaasahang dadalo ang buong cast ng pelikula sa gagawing special screening. Also expected to attend the gathering are Oro, Plata, Mata production designer Don Escudero, Jose Javier Reyes na siyang nagsulat ng screenplay ng pelikula at ang editor nitong si Jesus Navarro.
"Its not everyday that we come together to toast a Filipino movie. In fact, we dont think anybody has ever organized any celebration for the anniversary of any other Filipino film," sabi ng FLIP Publisher at Editor na si Jessica Zafra. "But Oro, Plata, Mata clearly is one film that deserves to be commemorated. It raised the standards for Filipino films and, 20 years later, the public and the industry still look to the movie for guidance and inspiration," dagdag niya.
Si Peque ay pansamantalang bumalik ng Maynila mula sa kanyang semi-retirement para sa nasabing screening.