Out na si Katrina Ojeda, In naman si Cutie del Mar sa buhay ni Martin?

Walang alinlangan na si Ogie Alcasid ang pinaka-in demand na singer-composer sa kasalukuyan. Hindi lamang nagiging hit ang mga awiting kanyang kinokompos at inaawit kundi maging ang mga komposisyon niya para sa ibang artista. First and foremost, si Ogie ay nagsimula bilang singer-composer at hindi na ito puwedeng mawala sa kanya kahit pa abala na siya sa pagiging isang komedyante sa TV at pelikula at pagiging TV host na rin.

May dalawang regular TV shows si Ogie sa GMA-7, ang gag show na Bubble Gang at ang musical show na SOP at may isa pa siyang game show sa ABC-5. Paminsan-minsan ay gumagawa rin siya ng pelikula. Nariyan pa ang kanyang pagku-concert sa iba’t ibang lugar ng bansa at maging sa ibang bansa. Bukod dito, isang devoted husband (to Michelle Van Eimeren) at ama kina Leila at Sarah Kate. Isa ring ulirang anak si Ogie sa kanyang mga magulang at mabait na kapatid kaya naman abut-abot ang suwerteng dumarating sa kanya magmula nang kanyang pasukin ang entertainment world about 15 years ago.

Sa darating na Pebrero 12, mapapanood na naman si Ogie sa isang all-out comedy film na pinamagatang A.B. Normal College (Todo Na Yan, Kulang Pa Yun).
* * *
Gaano kaya katotoo ang balita na wala na umano sina Martin Nievera at ang girlfriend nitong si Katrina Ojeda dahil may Cutie del Mar na umano ang dating mister ni Pops Fernandez?

Sa recent presscon ng dating mag-asawang Martin at Pops na may kinalaman sa kanilang nalalapit na post-Valentine concert, hindi sinagot ni Martin ang mga tanong sa kanya na may kinalaman kina Katrina at Cutie. Ang katwiran niya, hindi niya pwedeng sagutin ang ganoong mga tanong in the presence of his ex-wife bilang respeto na lang.

Samantala, sa kabila na matagal nang hiwalay sina Pops at Martin at annulled na rin ang kanilang kasal, marami pa rin ang umaasa na balang araw ay magkakabalikan pa rin ang dating mag-asawa.
* * *
Natutuwa kami sa mag-asawang Donna Villa at Carlo J. Caparas ng Golden Lions Films International na sa kabila ng kanilang disappointment sa hindi pagkakatuloy ng pagsasapelikula ng buhay ng dating senador Ramon Mitra, hindi pa rin sila gumib-ap sa paghahanap ng panibagong proyekto na puwede nilang isapelikula. This time, wala nang urungan ang pagsasapelikula nila ng pagkaka-kidnap sa TV host na si Cory Quirino nung 1995. Playing Cory in the movie ay ang MMFFP best actress na si Ara Mina na tuwang-tuwa sa pinakabagong proyekto na kanyang sisimulan.

Alam ni Ara na hindi siya ang first choice para sa role pero ang mahalaga umano sa kanya ay siya ang final choice. Honored din siyempre si Ara na gampanan ang papel ni Cory na isang maganda, seksi at matalinong TV personality.

Ayon kay Cory, matagal-tagal din siyang niligawan ng mag-asawang Donna at Carlo bago siya tuluyang napapayag na isapelikula ang kanyang buhay.
* * *
Naging fruitful ang aming recent visit sa Honolulu, Hawaii kung saan kami nag-attend ng taunang PTC (Pacific Telecommunications Council) na dinaluhan ng lahat ng iba’t ibang carriers mula sa iba’t ibang bansa sa buong mundo na taunang ginaganap sa Hilton Hawaiian Village sa Waikiki. In between our meetings ay nakukuha naming pumuslit para mag-shopping lalo pa’t walking distance lamang from our hotel ang Ala Moana Shopping Center. Pero ang pinahahalagahan namin ng husto ay ang pagkikita-kita namin ng aming mga dating kaibigan na naka-base sa Hawaii at naging kaibigan na namin since 1981 hanggang ngayon. Sila ang nagsisilbi sa aming ‘pamilya’ whenever I am in Hawaii.

By the way, last week-end ay nagkaroon ng concert sa Honolulu sina Angelika dela Cruz at Cody Moreno produced by Francis Arrastia, the same producer ng concerts sa Hawaii nina Jolina Magdangal at Judy Ann Santos.
* * *
Para sa inyong komento, ipadala ang inyong e-mails sa <a_ amoyo@pimsi. net>

Show comments