Bong Revilla pinarangalan

Pinarangalan kamakailan ng iba’t ibang entertainment organizations si Ramon Bong Revilla, Jr. dahil sa kanyang pagsugpo sa piracy na isang sinasabing mabigat na salot sa music at movie industries sa bansa. Ang parangal ay idinaos sa Club Filipino sa San Juan na dinaluhan ng mga mahahalagang opisyales at personalities ng music and movie worlds.

Di lingid sa kaalaman ng lahat na simula nang ma-appoint na Chairman and Chief Executive Officer ng Videogram Regulatory Board (VRB), masugid si Bong Revilla sa pagtuntong sa mga pirata sa kanilang mga warehouses at mga tindahan sa mga shopping centers sa buong bansa. Ilang raid na ang ginanap upang kompiskahin ang mga nagkalat na pirates CDs at VCDs sa mga shopping centers.

Ang special citation ay inihandog kay Bong Revilla ng apat na entertainment organizations na naghayag ng kanilang all out support sa aktor. Ang mga ito ay kinabibilangan ng Motion Picture Anti-Film Piracy (MPAFPC), Philippine Entertainment Industry Foundation, Inc. (PEIFCI), Association of the Recording Industry, Inc. (PARI) at International Philippine Coalition (IP).

Sa kanyang privilege speech, inihayag ni Atty, Espiridion Laxa ang kanyang papuri kay Bong Revilla. "Sa aking twenty years involvement sa mga pelikulang Pilipino, itong taon lamang na ito na ni isang entry sa nakaraang Metro Manila Film Festival ay walang napirata . Lahat ng ito ay dahil may isang Bong Revilla ng entertainment industry na nagmamasid sa mga pirata," pahayag ni Atty. Laxa.

Show comments