^

PSN Showbiz

Payag magpakita ng boobs ang baguhang artista ng Viva

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Na-meet namin si Jenny Rosendahl, ang bagong sex symbol ng Viva Films. Kasama ito sa pelikulang A.B. Normal College (Todo na ‘Yan, Kulang Pa ‘Yun) ng Viva Films. Maganda ang baguhang aktres at higit sa lahat, sexy din at handang makipagsabayan sa mga sexy stars sa kasalukuyan. Kasama niya sa presscon ang kanyang Pinay na ina at Aleman na ama.

Nagbalikbayan si Jenny sa bansa noong April 2000 at sumabak sa mga komersyal gaya ng San Miguel, Colgate at iba pa. Fifteen years din siyang nanirahan sa Germany at ngayon ay desididong magtagal sa bansa dahil sa pag-aartista. "Maliit pa lang ako ay gusto ko nang mag-artista kaya para mahasa pang lalo sa pagsasalita ng Tagalog ay nagpa-tutor ako ng tatlong buwan. Nagbabasa rin ako ng komiks para mabigkas ng husto ang mga salita," aniya.

Taga-Pulilan, Bulacan ang kanyang ina at ngayo’y naninirahan sila sa isang condo unit. Nakapirma siya ng apat na taong kontrata sa Viva para sa 12 pictures.

Handa na ba siyang lumabas sa sexy movies? Ayon kay Jenny ay payag siya sa breast exposure basta’t huwag lang ang frontal nudity. "Okey lang sa akin ang magpa-sexy basta’t maganda ang proyekto. Mahal ko ang aking trabaho kaya nag-undergo ako ng workshop," aniya. Sa mga lokal na artista ay gusto niya si Lorna Tolentino at sa sexy stars naman ay si Patricia Javier. Type niyang makapareha si Albert Martinez dahil bukod sa guwapo ay magaling pa itong umarte."

Sa pelikula ay ginampanan niya ang role na Gregoria na kinabaliwan ni Andrew E. Ang A.B. Normal College ay mula sa direksyon ni Al Tantay.
Angelika, Humataw Sa Hawaii
Dumating na si Angelika dela Cruz mula sa isang 2-day concert nito sa Hawaii. Ang isa’y sa Farrington High Auditorium sa paanyaya ng Filipino Community doon at napuno ang venue noong January 24 at pagkatapos ay nagtanghal naman ang magandang aktres sa Maui Island sa Baldwin Auditorium noong January 25. Naging matagumpay ang dalawang shows at hinihiling ng mga tagaroon na magkaroon ng follow-up concert sa Disyembre.

Gustuhin man niyang magtagal doon para naman makapagpahinga dahil sa hectic schedule ay hindi pwede dahil kailangan niyang bumalik ng Linggo dahil sa taping ng Habang Kapiling Ka. Isa pa, nami-miss siguro ang aktres ng kanyang leading man na si Victor Neri na panay ang overseas call sa kanya.
Blind Item: Walang Utang Na Loob Ang Sexy Actor
Nakakwentuhan namin ang dating manager ng sikat na sexy actor na ito na pambata ng isang major company. Panay ang paglilitanya ng sama ng loob nito dahil sa kawalang-utang na loob ng aktor na siya ang talagang nagpakilala at nagpasikat dito.

Noong walang-wala pa ito ay doon siya nakatira sa bahay ng dating manager, kumakain at dinadamitan siya nito. Kadalasan ay sa kanya pa ito humihingi ng pera kahit minsan ay kapos siya sa pera. Palibhasa’y alaga ay binibigyan niya ito ng kadatungan.

Pero nang madiskubre ito ng isang mas sikat na celebrity ay doon siya nagpaalaga at kinalimutan ang tulong na nagawa ng dating manager.

Minsan ay nagtagpo sila sa opisina ng bagong manager at sa galit nito ay nasampal ang dating alaga. Hindi naman nakakibo ang aktor dahil napagtanto ang malaking tulong ng dating manager sa kanya.

Ang ikinasasama pa ng loob ng dating manager ay nang ligawan at makipag-live-in sa sexy actor ang kanyang alaga na kundi nabuntis ay sikat na sikat na sana ngayon dahil nabigyan na ito ng launching movie. Nanghihinayang ang manager sa dalagitang alaga niya na walang nangyari sa career matapos mapaibig ng ingratong alagang aktor.

"Kaya naman hindi umabante ng husto ang career ng sexy actor ay dahil hindi ito marunong tumanaw ng utang na loob," sey pa ng dating manager.

AL TANTAY

ALBERT MARTINEZ

ANDREW E

DAHIL

MANAGER

NORMAL COLLEGE

SEXY

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with