Hindi namin alam kung present ang sinasabing manliligaw ni Nikki dahil may kalayuan ang aming puwesto. Dalawa pala ngayon ang manliligaw ni Nikki.
Nakakatuwa ang wishes ng mga kaibigan ni Nikki. Consistent ang mga ito sa wishes nila na finally ay magka-boyfriend na si Nikki.
"I wish God will give her the desire of her heart," sabi ni Assunta. Ang hindi nila alam, sa dalawang manliligaw ni Nikki ay may napupusuan na siya.
Ang husay ni Korina na makipagbatuhan ng punchlines with Kris na kilala sa pagiging blabber. Pero hindi nagpatalo si Korina pagdating sa kadaldalan. Honestly, punumpuno ng sincerity si Korina sa kanyang pagiging co-host ni Kris sa said show. Lalo pang napalapit si Korina sa puso ng tao sa loob ng dalawang linggo. Hindi kami fan ni Korina pero humanga kami sa kanya sa Morning Girls dahil pinatunayan niya na kaya rin niyang mag-extend sa mas malawak na audience.
At mukhang hindi lang kami ang may ganitong obserbasyon. Dahil base sa initial ratings na lumabas, gusto ng tao ang tandem nina Kris at Korina. Umariba sa ratings ang pilot week nito at pinalamon ng alikabok ang katapat na show nito.
Hanggang Biyernes na lang ang said stint nina Korina at Kris sa Morning Girls. Dahil sa Monday, February 2 ay papasok na ang bagong show ni Tessi Tomas.
"Im just starting and I want to start good here in the business. I dont want to ruin that opportunity," sabi ni Cindy.
Hindi dapat ma-tense ang mga fans nina Echo at Tin dahil walang plano si Cindy na magka-boyfriend sa ngayon though she has a lot of non-showbiz suitors.
Natural na i-link si Cindy kay Echo dahil kasama siya sa movieng Ngayon Nandito Ka, ang Valentine movie nina Echo at Tin. In the movie, she plays Echos girlfriend. Introducing siya sa said movie na showing on February 26.
Half-Filipino, half Austrian pala itong si Cindy. She was born in Austria to a Filipina mom and an Austrian dad.
"I was born there and Ive been in the Philippines for one year now. I tried acting cause I really love to act.
Graduate si Cindy ng Hotel & Restaurant Management course sa Austria.
Inamin niya na up to this day ay wala siyang boyfriend. Aniya, "Baka natatakot ang mga boys na manligaw sa akin. Ha ha!"
Nasa pangangalaa na pala ngayon si Aiko ni Wyngard Tracy. She used to be managed by colleague-friend Ogie Diaz. "Mutual decision namin yun na kailangan ko ng isang manager. Kasi mas marami pang projects sa akin si Ogie. Pero andiyan lang siya (Ogie) to guide me," sabi ni Aiko.
Malapit na palang ibaba ng korte ang decision sa annulment case nila ni Jomari Yllana. Paglabas ng decision, it will only be the time na magi-entertain si Aiko ng manliligaw at finally ay magka-boyfriend.