Trial separation ng showbiz couple

Sana nga ay hindi mauwi sa tuluyang hiwalayan ang mag-asawang ito na parehong sikat na artista sa pelikula at telebisyon.

Balitang hiwalay na ang dalawa at ayon sa aking source ay totoo naman ito pero, sinusubok lamang daw ng dalawa kung talagang mas happy na silang magkahiwalay.

Sa kasalukuyan ay may trial separation ang dalawa. Ang lalaki ay sa kanyang mga magulang muna umuuwi pero madalas ay pumupunta pa ng kanilang bahay para bisitahin ang kanyang mga anak na kasamang naninirahan ng kanyang asawa sa kanilang bahay. Umaga ito madalas pumunta ng kanilang bahay.

Ayon sa aking source ay maaayos naman daw siguro ng mag-asawa ang kanilang gusot. Ang pambababae naman ni mister ay hindi naman malubha. Talaga lamang may pagka-pabling ito pero, hindi naman sineseryoso ang mga babae.

Si babae naman ay nababalita sa isang dating nakaribal ng kanyang asawa sa panliligaw sa isa ring singer nung kabinataan nito. Ayaw maniwala ng aking source dahil hindi tipo nina Mrs. at ang singer na nali-link sa kanya ang isa’t isa. Kung kukuha raw ito ng makakapalit ng kanyang asawang pabling ay yung may pera na raw at hindi isang struggling na tulad ng singer na nali-link sa kanya ngayon.
*****
Swerte naman ni Ara Mina at sa dami ng mga artistang babae na pinagpilian ng mag-asawang Carlo Caparas at Donna Villa para gumanap ng role ni Cory Quirino sa The Cory Quirino Story ay siya ang napili nila.

Ang pinaka-malaking factor na kumumbinse sa mag-asawa kay Ara Mina ay ang pangyayaring napaka-bankable nito ngayon. Ikalawa ay ang malaking pagkakahawig niya kay Cory Quirino na isang celebrated media person. Ikatlo ay ang pagiging isang magaling na aktres nito.

Ang istorya ay tungkol sa pagkaka-kidnap kay Ms. Quirino ng limang lalaki nung Setyembre ng taong 1999 habang papunta ito sa taping ng isang TV show. Tatlong araw si Ms. Quirino sa kamay ng kanyang mga kidnaper. Pinawalan lamang sila matapos magbayad ng ransom si Cory mula sa kanyang ATM deposit.

Pinipili pa ang limang lalaking gaganap ng roles ng kidnapers pero, nakuha na si Alessandra de Rossi para gumanap ng assistant ni Cory.
*****
Ang tayo-tayo lamang na birthday party na ipinang-imbita ni Vice Governor Imelda Papin ay naging isang malakihang surprised party dahilan sa pagdalo ng napakaraming taong nagmamahal sa kanya mula sa sektor ng gobyerno at showbiz.

Dumating si dating First Lady Imelda Marcos. Ganun din ang grupo ng mga character actors na nagmula sa isang pilgrimage sa Quezon. Pinamunuan sila ni Paquito Diaz. Nakita ko rin si Congressman Lopez ng Maynila at ang mga may mababait na puso na kumandili sa kanya sa kanyang mga konsyerto sa abroad.

Sa eve ng kanyang birthday, nagkaroon ng concert at feeding si Imelda sa mga malnourished children ng 27 baranggay sa General Mariano Alvarez, Cavite. Kinabukasan, sa mismong birthday niya, nagpakain din siya ng libre sa Buhi, Cam. Sur. Ang pagpapakain ni Imelda ay sinusuportahan ng Monde-Nissin Corp at ng Gardenia Bakeries Phils.

Dalaga na ang anak ni Imelda na si Mafi Papin (Carreon?). Twenty years old na ito at unti-unti nang nahihimok para mag-artista kundi man sundan ang yapak ng kanyang ina sa pagkanta.
*****
First time ni Mikey Arroyo na mapasabak sa isang komedy na tulad ng AB Normal College (Todo Na ‘Yan, Kulang pa Yun). Akala n’ya nung una ay maiilang siya dahil kung siya ang masusunod, sa aksyon niya gustong mapasabak. "Nakakahawa sila. Di ko akalain na mag-i-enjoy ako na gawin ang movie. Pakiramdam ko nga, nahawa ako sa pagpapatawa nila," pag-amin ni Mikey.

Kasama sa cast ng AB Normal College (Todo na Yan, Kulang pa Yun) na nasa direksyon ni Al Tantay sina Ogie Alcasid, Rufa Mae Quinto, Andrew E, Salbakuta, Patricia Javier, Rico J. Puno at ang baguhang si Jenny Rosendahl.

Show comments