Rufa Mae at LJ mag-bestfriend

Pagkatapos ng sunud-sunod na promo at parada sa iba’t ibang lugar sa bansa para sa katatapos na MMFFP sa pelikulang Hula Mo, Huli Ko, balik-telebisyon na naman ang byuti ng seksing aktres na si Rufa Mae Quinto. Balik uli siya sa Idol Ko Si Kap na pansamantalang nawala sa telebisyon dahil sa singing engagement niya sa Japan. Then, naagaw pa ang oras niya sa soap operang Ikaw Lang ang Mamamahalin bilang si Liberty at sa MMFFP nga.

Pero, ‘yung weeky variety show niyang SOP, hindi naman nito napapabayaan.

At alam ba ninyong super-close pa rin sila ng bestfriend nitong si LJ Moreno. Nakasama niya ito sa kanyang mga Hongkong at USA trips at wala silang ginawa kundi mag-sharing ng kanilang mga sikreto. Kung anuman iyon, hindi nila puwedeng ibunyag dahil super-close ang kanilang bonding sa isa’t isa. – BAC

Show comments