Sinabi ni Gelli na mas mahirap ang role ay mas ganado siya. Kaya naman madali siyang nakilala bilang versatile actress.
Sa Lunes (9 to 10:30 p.m.) ay tampok sila ni Ariel Rivera sa episode na Kapag Puso Ang Timbangan ng Mel Tiangco-hosted drama anthology na Magpakailanman. Ito ay hango sa tunay na buhay ng isang lady police officer na si PNP Lt. Col. Ligaya "Joy" Cabal na naging TOYM awardee for heroism.
Bata pay pangarap na ni Lt. Col. Cabal na maging isang PMA cadet.
Pero di pa noon open ang Philippine Military Academy sa mga babae. Kaya naisip niya na kumuha ng Criminology sa college. Nang matapos siya sa kursong ito bilang honor student ay nag-apply siya sa PNP at NBI. Unfortunately, di siya natanggap kahit sa mga examination ay lagi siyang nangunguna. Bukod sa young age ay medyo may kaliitan siya. Kaya nagturo na lang siya sa kanyang alma mater, training future police officers how to spot fake documents and the science of firearms and ammunitions.
At the back of her mind ay naroon pa rin ang pagnanais na maging pulis. At nung 1992 ay naging deputy police chief sa Imus, Cavite. Di siya matanggap bilang female leader kaya she assigned herself sa traffic, the lowest beat on the force. Kasunod nitoy ang pag-join niya sa night patrols, answering routine calls and confronting suspects in the streets. Pinahanga niya ang mga tauhan sa husay niya sa martial arts at paggamit ng baril. Later on, she became one of the boys at di na minenos ang pagiging babae.
Lumaoy na-assign siya sa Quezon City kung saan nakilala niya ang naging husband na si Jonathan Cabal na chief of operations ng QC jail. Nagsimula siyang magpakita ng kagitingan nang mahirang na miyembro ng POEA Intelligence Task Force.
Kinuha rin siyang undercover agent at naranasan niyang mag-disguise bilang estudyante, Japayuki at drug-pusher in line of her duty. Kaya nabigyan siya ng Medal of Excellence sa PNP nung 1995. Kasabay ng kanyang promosyon bilang Lt. Colonel ay nahirang siyang regional chief ng crime laboratory and chief of the forensic and ballistics department.
Si Lea Ereguel ang natokahang magsalin ng true story ni Joy Cabal sa teleplay na dinirek ni Argel Joseph. Stars din dito sina Roy Alvarez at Kier Legaspi. At sa unang pagkakataoy may mga action scenes na mapapanood sa top-rated drama series. Dahil ang buhay ni Lt. Col. Ligaya Cabal ay puno talaga ng aksyon.