Pinatutunayan ng magaling na aktres, kahit na ang isang lola na katulad niya ay pwede pa ring maging isang model/endorser.
Una siyang umagaw ng pansin bilang Manang Biday sa pelikulang Dalagang Ilokana at pagkaraan ng 50 taon, aktibo pa rin siya sa trabaho na aniya ay minahal niya ng walang katulad. Nanalo siyang muli ng Best Actress sa pelikulang Tanging Ina. At sa Bahay ni Lola at Singsing ni Lola, ipinamalas niyang malakas pa rin siya sa takilya.
Regular din siyang nakikita sa TV, sa mga palabas na Sa Dulo ng Walang Hanggan at Ok Fine Whatever.
Kamakailan lamang ay binigyan siya ng isang napaka-maringal na tribute dahilan sa napakarami niyang achievements bilang aktres.
Sa kagustuhang mabigyan ng mas maganda at maluwang na lugar ang mga pumupunta ng Klownz kung kaya nagpasya ang magka-partner na Allan K. at Lito Alejandria na lumipat. In less than 3 months, napatapos nila ang konstruksyon ng kanilang bago at state-of-the-art sing-along bar.
Ang carnival-inspired bar ay may 700-seating capacity at may maluwang na valet at well-guarded parking area. May bago itong hi-tech sound equipment and fixtures at pinintahan ang loob ng mga myembro ng Artists Circle ng UP.
"Proud talaga ako sa bagong Klownz, its really a work of art," ani Allan K.
Sa grand opening, mga sikat na celebrities at sing-along masters ang makikita. Imbitado rin ang pamilya at kaibigan ni Allan K. sa Eat Bulaga.
Bukod sa pagtatanghal sa isang napakalaking mixed audience, pipirma rin ng autograph, at magpapalitrato rin si Gary V. sa kanyang mga manonood. Siyamnapung minuto tatagal ang musical special na kung saan ay makakasama ni Gary V. ang mga delegado sa Asya na mapapanood sa maraming states ng US. Si Gary ang magiging finale number.
Pagkagaling sa US, pupunta ng Canada si Gary V. para sa ilang palabas.